Chapter 72 *Karma*

5K 53 3
                                    

  NEO’S POV

Hindi ko alam yung nararamdaman ko pero palagi kong binabantayan si Frances. Kahit alam kong di niya alam, mas mabuti na yun.

“Neo. Do you still love me?” mahinang bulong ni Keisha habang naglilecture yung prof namin. Tinignan ko siya, siya yung babaeng una kong minahal. First love, pero bakit di ko nararamdaman yun ngayon?

“Oo naman” ayoko siyang masaktan. Ayoko siyang umiyak, ayokong nakikita siyang nahihirapan. May inabot sa akin si Yani.

Nakita ko yung isang news habang si Frances umiinom, parang wala ako sa sarili na tumayo at sabay kong tumayo si Clyde. Nagkatinginan muna kami bago magsalita.

“Something came up Ms I need to go” sabi ni Clyde

“I need to go to the comfort room” sabi ko

“You can now go, both of you” parehas kaming nagmamadaling lumabas. Di ko na napansin si Clyde, di ako dumaan sa gate dahil alam kong hindi ako papayagan. Pumunta ako sa likod na gate at dun lumabas. Wala namang nagbabantay.

Agad kong tinakbo yung bar kung nasaan si Frances. Nakita ko siya dun habang nasa gitna, umiiyak. Umiiyak nanaman ba siya dahil sa akin?

May kung ano sa akin at nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Ayokong mawala siya. May isang salitang lumabas sa bibig ko na alam kong yun ang hinihingi ko. Kung ano yung nararamdaman ko.

“M-mahal pa din kita. Mahal na mahal”

“A-ayokong mawala ka Frances. Mahal na mahal kita” at niyakap ko pa siya ng mas mahigpit

“I-i-I love you too, Clyde” huling sabi niya bago siya nawalan ng malay. Parang nawala lahat ng lakas ko sa sinabi niya. Ganon ba ako kagago? Bakit ngayon ko lang nalaman yung nararamdaman ko?

Bakit ako naman yung nasasaktan ngayon? Eto ba yung ganti niya dahil sinaktan ko siya? May biglang kumuha kay Frances sa kamay ko. Si Clyde, hingal na hingal siya at pawis na pawis.

“Babawi ako Clyde, babawiin ko si Frances at di ko na siya lolokohin” sabi ko kay Clyde. Ngayong alam ko na yung nararamdaman ko kay Frances, ayokong magpatalo. Laro ko’to at kung di ko siya makukuha. Talo ako at ayoko ng natatalo.

Binaba ni Clyde si Frances sa isang upuan at sinuntok ako sa mukha.

 “GAGO KA!”

“Wala kang karapatang bawiin si Frances! Pagtapos mo siyang lokohin, babawiin mo siya?! PAANO SI YANI?! LAHAT NA LANG BA NG BABAE SA MUNDO, LOLOKOHIN MO?!”

Si Yani. Paano na lang si Yani? Gulong gulo na ako.

“Hindi ko na alam, hindi ko na alam yung nararamdaman ko” mahinang bulong ko

“Alamin mo muna yung nararamdaman mo. Ayokong masaktan uli si Frances” sabi ni Clyde at umalis buhat buhat si Frances.

Naglakad ako at sinundan sila hanggang sa nakarating sila sa bahay ni Keisha. Nagtago ako sa isang puno nung dumating si Zeke pero biglang tumunog yung phone ko.

“Hello?” mahinang sabi ko

“N-neo. Where are you?! Bakit ka umalis kanina?”

“M-may inasikaso lang ako Yani”

“Si Frances ba yon? SABIHIN MO! MAHAL MO PA BA AKO?!” sigaw niya sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako.

“I lo—“

“Stop. Wag mong sabihing mahal mo ako kung di naman talaga. Neo, mahal kita” sabi ni Yani at binaba yung phone niya. May narinig akong ingay kaya pumunta ako sa gate para sumilip. Nakita ko si Frances at Clyde habang seryosong nag uusap. Umiiyak din si Frances.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon