Chapter 86 *Pain Again*

2.5K 28 0
                                    

CLYDE'S POV

Nung tinawagan ako ni Zeke na sinugod nanaman daw sa ospital si Frances, nung mga nakaraang araw lumalakas na siya. Nakakatawa na siya pero ano nanaman ang nangyari?

Nakita ko si Zeke sa labas ng ospital at tinanong kung nasaan si Frances, nasa E.R. daw. Kinakabahan akong tumakbo papuntang ER, bawat hakbang ko ay di mapigilang hindi bumilis ang tibok ng puso ko. 

Natatakot ako sa susunod na mga mangayayri, nung nasa harap na ako ng ER ay andun ang parents ni Frances, tulala sila habang umiiyak naman ang Mom ni Frances.

"S-s-si Frances?" garalgal na tanong ko

"She's inside..." sabi ng Mom ni Frances habang nakatingin sa loob ng ER, sumilip ako sa maliit na glass window sa ER, sinilip ko si Frances at nakita kong kung ano ano nanaman ang tinuturok sa kanya na gamot. Siguro kung normal na tao at walang kaya sa buhay si Frances ay matagal na siyang wala.

At ang masakit dun ay may nilagay na tubo sa gilid ng bibig niya at may mga maliliit na tubo na nakainject sa braso niya. Hindi ko na kaya ang nakikita ko kaya lumayo na ako dun, umupo ako sa sahig at isinandal ang likod ko sa pader, napahilamos ako ng mukha.

Sabi ni Frances na ako daw yung magiging hero niya pero bakit sa tuwing kailangan niya ako ay wala ako. Malaki ang utang na loob ko kay Frances kaya pati sarili kong buhay ay iaalay ko sa kanya.

Naramdaman ko na lang na may luhang tumulo sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa kalagayan ni Frances pero alam kong mas nasasaktan siya sa kalagayan niya.

"Clyde.. Madaling araw na, magpahinga ka na" sabi sa akin ng Mom ni Frances sa akin.

"Okay lang po ko, dito na din po ako magpapa-umaga" sabi ko. Ngumiti lang yung Mom ni Frances at umupo uli sa upuan sa labas ng ER.

Ilang minuto ang lumipas nakita ko na si Zeke na pabalik, at nakikita ko sa kanya na iba ang aura niya. Alam kong galit siya pero humupa yung galit niya nung dumating si Keisha kasama si Evo at Yani.

"H-h-how is Frances?" naiiyak na sabi ni Keisha pero agad hinawakan ni Evo ang kamay ni Keisha kaya mas naging mahinahon si Keisha.

"Tinuturukan na lang siya ng mga Doctor ng gamot." walang gana kong sabi kaya lahat sila napatingin sa kinaroroonan ko

Nakita kong may tumulong luha sa mata ni Keisha, kitang kita ko sa mga mata ni Keisha yung awa niya sa bestfriend niya. Matagal na talaga silang nagsama, iba ang pagsasama nilang dalawa kaya alam kong masyado siyang maaapektuhan kapag nangyari yun.

"Bakit kailangan niyang magsuffer ng ganito? We're happy back then. Masaya kami, pero bakit ngayon puro pains na? I was with Frances since we were child at di ko matanggap na nagsa-suffer siya nung dumating kayo. Guys, please let Frances be happy" Umiiyak na sabi ni Keisha tapos umiyak na siya sa  dibdib ni Evo

Lahat kami natahimik, bigla kasing dumating si Neo na basa ng ulan at may dugo siya sa gilid ng labi niya pero ang mas kinagulat ng lahat ay ang pagsugod ni Zeke sa kanya at sinuntok siya sa mukha.

"SABI KO WAG KA NANG PUPUNTA DITO!" nanggagalaiting sabi ni Zeke at pinagsusuntok si Neo pero hindi na gumanti si Neo.

Alam kong may kasalanan nanaman siyang ginawa kaya galit sa kanya si Zeke. Umawat na si Yani sa pagitan nila pati si Evo, nagkakaroon na din ng maraming tao sa palibot namin.

"Stop being immature guys! Stop fighting, walang mangyayari kung away lang tayo ng away!" galit na sigaw ni Evo. Alam kong naiinis na si Evo kasi mas lalo pang pinapalala ni Zeke at Neo ang sitwasyon.

 Napatigil sa pagsuntok si Zeke kay Neo at tumingin kay Evo.

"Ano bang alam mo?!" gallit na sigaw ni Zeke kay Evo

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon