Chapter 84 *Happy*

3K 43 11
                                    

FRANCES’ POV

Nagpahinga ako pagtapos ng mga nangyari ngayong araw. Nakaupo lang kami sa sala ni Neo, hindi daw siya aalis sa tabi ko.

“Salamat at pinatawad mo ulit ako” mahinang bulong niya habang nakahiga ako sa shoulders niya.

“Mahal kasi kita” sabi ko.

Napatayo kaming dalawa ni Neo nung biglang pumasok si Clyde sa loob ng bahay. Ngumiti siya sa akin, at ganun din ako.

“Pwede ba kitang makausap? Tayong dalawa lang sana” sabi ni Clyde. Hinalikan ako ni Neo sa pisngi at lumabas muna ng bahay, siguro ay nagpahangin.

Umupo si Clyde sa tabi ko at hinawakan yung kamay ko.

"Kamusta ka na?" sabi ni Clyde habang nakayuko. Gusto ko sanang makita yung ngiti sa labi niya pero nakayuko naman siya.

"Eto, nakikipaglaban pa din sa sakit na papatay sa akin haha." sabi ko. Ramdam ko yung paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Wag kang magsalita ng ganyan. Alam kong strong ka, andami mo ng trials na pinagdaanan tapos ngayon ka pa susuko?" sabi ni Clyde habang nakayuko pa din

"Hindi naman ako sumusuko, pero siguro hanggang dito na lang yung pakikipaglaban ko. Siguro sabi ni God kailangan na niya ako sa heaven para maging isang angel haha. Isang angel na laging nandyan para sa inyo" sabi ko at dun nanaman tumulo yung luha ko

"Naalala mo pa nung una tayong nagkita? Tapos yung pinapaselos natin si Neo, Frances sorry kung di kita naprotektahan sa pain na binigay nila sayo. Ako din kasi nagulat sa ginawa nila." sabi ni Clyde

Ginulo ko yung buhok ni Clyde kaya napatingin siya sa akin, dun ko napansin na namumugto na yung mata niya at namumula.

"U-u-umiyak ka?" tanong ko

"Nagtext kasi sa akin si Evo nung isang araw, sinugod ka nanaman daw sa ospital. Kala ko niloloko mo lang ako nung isang araw na hindi ka na nagpapagamot pero sabi ni Evo totoo daw yun. Frances, natakot kasi ako. Natakot ako mawalan ng kaibigan na nagtitiwala sa akin. Ikaw lang kasi yung taong nagtiwala sa akin ng sobra. Frances, wag mo kaming iiwan ha. Be strong" sabi ni Clyde habang tumutulo yung luha sa mga mata niya.

"Hindi naman ako mawawala. Andito naman ako palagi sa tabi niyo. Just always remember the memories we have shared together. Clyde, Isa ka na din sa bestfriend ko pero hindi mo maaagaw yung pwesto ni Keisha haha" sabi ko at dun na kami tumawa.

"Heart?" sabi ni Clyde. Ngumiti ako.

"Heart..." sabi ko din at niyakap ko siya. Hindi mapigilan ng luha ko ang tumulo, hindi dahil sa lungkot pero dahil sa Happiness, kasi maraming tao ang nandyan para suportahan ako sa laban ko, kahit alam nilang wala nang pag asa.

“Hi Ate Frances!” biglang bumaba si Francheska galing sa kwarto. Siguro ay kagigising pa lang niya.

“Sino siya?” nakakunot noong tanong ni Clyde

“New sister, inampon namin siya sa orphanage na tinutulungan ng family naming. Si Francheska” sabi ni Frances at niyakap ng mahigpit si Francheska.

“Hi Francheska. Ako si Kuya Clyde, superhero ng Ate mo” nakangiting sabi ni Clyde.

**

1 month later....

"Frances, may pasok ka ngayon diba? Susunduin ka ba ulit ni Neo?" tanong ni Kuya habang kumakain ng breakfast

"Yup, padating na daw siya" sabi ko 

*Ding Dong*

Alam kong si Neo na yung nagdoorbell kaya agad na akong tumayo. Sabay kami palaging pumasok, sabay lahat ng subject at schedule. Sa school nga ang tawag sa amin at Coconut tree, bakit? Kasi tawagan namin sa isa’t isa ay Buko short for buhay ko.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon