Chapter 41 *Jealous*

5.2K 63 4
                                    


Hi po. Simula po sa Saturday wala munang update. Final Exam na po namin kaya dapat magreview haha! Wish me Luck

PS: Yung nilagay kong spoiler sa group matagal pa po yun haha! Naexcite lang akoooo <3


*****

NEO'S POV

Ano ba ang dapat kong maramdaman sa sinabi ni Frances? Sobra akong naguguluha.. Wait !!! Bakit ako naguguluhan? Tsss...

Dapat lang na matuwa ako sa sinabi niya kasi atlast malapit na matapos yung bet ni Zeke at dahil dun makukuha ko na si Yani..

"Neo.. Uh.. Wag ka muna dito kasi bibihisan ko pa si Frances" sabi ni Keisha habang dala dala niya yung damit na kinuha niya

Lumabas na din ako at umupo sa may bench sa may garden nila.. Nakatingin lang ako sa kalangitan habang iniisip yung sinabi ni Frances kanina...

FRANCES' POV

*poke* *poke*

"Uhmmm.."

"HOY! FRANCES LEE! GUMISING KA DIYAN!" may narinig akong sumigaw sa tabi ko kaya unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Keisha na may hawak na damit

"K-Keisha? Wait.. Bakit ako nasa bahay mo?" sabi ko tapos unti unti akong tumayo pero di pa ako nakakatayo ay biglang sumakit ang ulo ko kaya napahiga ulit ako

"URGHHHHHHHHHH! Ouch.. My head.. Bakit masakit?" sabi ko habang hawak hawak ang ulo ko

"Tsk! Sino ang nagturo sayong uminom ha?! Pshh! Frances, paano kung may nakakita sayong media tapos pinagpipicturan ka dun?! Gahd! Ano bang nangyayari sayo?! You're getting hard-headed! Tss" sabi ni Keisha tapos hinagis niya yung damit sa tabi ko

Uminom ako? O____O MYGEEE! P-p-paano kung nalaman yun ni Mom at Dad tapos.. Hala T~T

"Magbihis ka na. Ang baho mo na! Tsss. Nawawala na yang pagkamahinhin mo kakasama diyan sa Clyde na yan!" sabi ni Keisha tapos nagwalk out siya

Pumunta na ako ng banyo nila at naghalf bath at binihis na yung damit na binigay sa akin ni Keisha. Nung lumabas na ako ng CR nakita ko si Neo sa kusina habang gumagawa ng kape

O_______O Anong ginagawa niya dito?!

"Hey.. Why are you here?" tanong ko sa kanya

"Ako yung naghanap sayo at nagdala sayo sa bahay ni Keisha" sabi ni Neo habang nakatingin sa kape niya

Lumapit naman ako sa kanya at tinignan yung kape niya. Ang bangooooo *O* 

"Oh.. Ginawa ko yan para sayo para mawala yang sakit ng ulo mo..." sabi ni Neo tapos inabot niya sa akin yung kape na hawak niya

Ininom ko naman ito. Ang sarap niya magtimpla ng kape..

"Yung sinabi mo kanina habang tulog ka..." mahinang sabi ni Neo

Sinabi? May sinabi ba ako kanina? Hindi ko matandaan ee XD

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon