NEO'S POV
Di ko napansing nakatulog na ako sa tabi ni Yani habang nanunuod kami. At ang masaklap dun ay hindi ako nakapuntang Prom.. WAIT! SI FRANCES?! FUUU! Agad kong kinuha yung phone ko at dinial ang number ni Frances pero pinapatay niya lang ito... Hanggang sa hindi na nga matawagan...
Iniwan ko si Yani habang natutulog siya sa may sala at dali daling lumabas ng bahay nila. Agad akong tumakbo papuntang bahay nina Frances pero patay na lahat ng ilaw...
Dahil gabi na ay umuwi na lang muna ako at natulog.
***
Pasukan na naman at papasok na ako ngayon sa classroom namin. Hindi pa din ako kinakausap ni Frances hanggang ngayon, kapag tinatawagan ko siya naka-off yung phone niya.
Ngayon na lang ulit yung pasukan namin kaya ngayon ko na lang ulit siya makikita...
Agad akong pumasok sa classroom at nakita ko nga siya with Clyde...
"Frances..." sabi ko pero imbis na pansinin niya ako ay bigla siyang tumayo at lumabas ng classroom . Tumayo din si Clyde at tinignan ako..
"Hindi ako nagparaya para lokohin mo lang siya.. Gumawa ka ng paraan bago ko siya agawin sayo" sabi ni Clyde habang umiiling tapos sinundan na si Frances
Paraan? Anong gagawin ko?
Napatingin lang ako sa pintong nilabasan ni Frances...
FRANCES' POV
Dahil ayokong gumawa ng scene sa classroom ay lumabas na lang ako at di ko alam na nakasunod pala sa akin si Clyde...
"Clyde.. Bakit ganon? Kung kelan ko siya mas kailangan dun siya mawawala.. Natatakot ako na baka isang araw mawala siya ng tuluyan sa akin" sabi ko
"Kung mahal mo siya bigyan mo siya ng chance pero kung sobra sobra na yung ginagawa niya sayo wag ka ng magpakatanga.." sabi ni Clyde
"Siguro kailangan ko munang mag isip bago ko siya harapin.. Ang hirap kasi ee..." sabi ko
"Sure.. Balik na tayo sa classroom baka dumating na si Maam" sabi ni Clyde. Sabay kaming pumasok sa loob ng classroom, good thing wala pa si Maam. Umupo muna ako sa upuan ni Clyde at umupo siya sa upuan ko..
"naneun geuege jumeog-eul nallyeo halyeomyeon" (I want to punch him) sabi ni Clyde habang di pa nagsisimula yung klase
"Stop it Clyde.. Masama yun.. haha, andyan na si Maam" sabi ko tapos umayos na ako ng upo
Dumating na si Maam at nagsimulang idiscuss yung practice para sa graduation at kung ano ano pang important announcements
"PROPER SEAT!" biglang sigaw ni Neo kaya napatingin si Maam sa mga students na wala sa proper seat
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Teen FictionNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?