Chapter 77 *Say 'NO', Please"

4.7K 53 0
                                    

NEO’S POV

Nasa likod ako ng gym nung pagtapos naming mag-usap ni Yani. Aalis na sana ako pero di nakatakas sa pandinig ko yung boses ni Keisha.

“Tsss! Hoy Clyde, siguraduhin mo lang na wag mong sasaktan yung bestfriend ko!” sabi ni Keisha. Tumingon ako kung saan nanggagaling yung boses at nakita ko si Keisha habang kausap si Clyde.

“Oo! Mahal ko yun ee. Basta yung plano Keisha ha”

“Oo, ako na bahala kay Frances. Alam kong sasagutin ka non” nakangiting sabi  ni Keisha. ‘Sasagutin?’ anong pinaplano ni Clyde?

Dahil sa kaba ay agad kong hinanap si Frances, di pa nagsisimula yung game kaya may oras pa kami para makapagstretch stretch.

Nakita ko si Frances habang nakaupo sa pinakababang bleachers. Agad ko siyang nilapitan at hinatak papunta sa likod ng gym.

“ANO BA?!” sigaw niya nung nakarating na kami dun pero niyakap ko lang siya. Namimiss ko na siya.

“Wag mo siyang sasaguting kahit anong mangyari. Frances, mahal kita. Mahal na mahal” nagpumiglas siya sa yakap ko at sinampal ako ng malakas.

“What’s your problem?” nakita kong nangingilid yung luha sa mata niya. Napatulala na lang ako. Ayoko ng magsalita.

“Nagmumove on ako Neo but you keep on pushing yourself onto me! Pagod na ako! Pagod na pagod! Kaya please…. Layuan mo na ako, tanggapin mong wala ng tayo.”

Napatulala ako sa sinabi niya. Naglakad pabalik si Frances sa loob ng gym, pabalik na sana ako nung mamatay ang ilaw. Nagtilian yung mga tao pero may spotlight na tumutok sa gitna, kay Frances.

Alam kong nakikita niya ako kahit nasa malayo ako dahil nakatingin siya sa mata ko. Alam ko ding gulat siya sa nangyayari. Eto ba yung plano ni Clyde?

“Hello. Mic test. Ehem! Hi! Uh. Pasensya na kung inabala ko kayo. Don’t worry matutuloy yung laban pero bago yun, gusto ko sanang sabihin sa inyong lahat na si Frances ang nag iisang babae sa buhay ko. I may not be perfect as him, Frances but I promised you that I will never hurt you. Frances, mahal na mahal kita.” Nagpause muna si Clyde at biglang may isang spotlight nanaman. At dun naman yun nakatapat kay Clyde.

Pero hindi pa din maalis yung tingin ko kay Frances.

“Frances Lee, Can you be my girlfriend?” tanong ni Clyde. Nakita kong napatulala si Frances habang umiiyak.

Please, say No.

FRANCES’ POV

 

“Wag mo siyang sasagutin kahit anong mangyari. Frances, mahal kita. Mahal na mahal”

“Wag mo siyang sasagutin kahit anong mangyari. Frances, mahal kita. Mahal na mahal”

Paulit ulit yun sa utak ko. Si Clyde ang nasa harap ko pero si Neo ang naiisip ko. Naguguluhan na ako, pero isa lang ang nasa isip ko. At yun ay ayokong masaktan si Clyde.

Nahagip ng paningin ko si Neo, nakita ko sa mata niya ang pain at pagmamakaawa. Ano nanaman ba Neo? Lolokohin mo nanaman ba ako sa mga mga binitawan mong salita kanina. Sorry Neo, ayoko ng makipaglaro.

Tinapat sa akin ni Clyde yung mic, hinihintay niya yung sagot ko. Tinignan ko siya sa mata at nakita ko yung saying bumabalot dun. Ayokong masira yun, I smiled back.

“Yes” tipid na sagot ko habang nakangiti. Agad akong niyakap ni Clyde at niyakap ko din siya. I can feel the warmth of his hug. Alam kong safe ako sa mga braso niya.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon