Chapter 89 *Not Now*

2.9K 39 1
                                    

FRANCES’ POV

Hindi na umalis si Kuya at tumingin lang siya sa akin pero hindi na ulit siya umupo. Lahat sila nakatingin sa akin at hinihintay yung sasabihin ko. Huminga ako ng malalim at hinugot lahat ng lakas ng loob ko.

 (Byul - Kim Ah Joong)

"Alam nating lahat na mahina na ako. Na hindi na ako magtatagal dito, na hindi ko na kayo makakasama ng mas matagal.. Alam---" 

"Frances, i think you need to take a rest. You should g---" sabat ni Kuya pero pinutol ko din yung sasabihin niya

"Im fine.. May gusto lang akong sabihin.. Just now." sabi ko at tumahimik na sila

"So, i was saying na hindi na nga ako malakas, im starting to feel so much pain inside my body. Im weak, yeah! Totally weak. Hindi ko kayo pinapaproblema about my situation, ang akin lang ay natatakot ako na baka iwan ko kayo ng hindi nagpapaalam. Natatakot ako na baka isang gabi habang natutulog ako bigla na akong kunin ni God.. Kaya ngayon i want to say goodbye." sabi ko habang pinilit na hindi umiyak pero traydor ang luha ko. Mabilis na nag-unahan ‘to palabas ng mata ko.

"Frances!" galit na tawag sa akin ni Kuya

"Kuya, Kahit hindi ko ikaw nakasama nung bata ako. Kahit hindi ko alam na may Kuya ako nun. Masaya ako na nakita kita, na naramdaman kong may Kuya ako. Take good care of Francheska, she's the new Frances in our house. At Kuya kung laging iniisip mo na ikaw yung dahilan kung bakit ako naging ganito. Please, stop it. Hindi ikaw ang may gawa nito. Kung ganito man yung nangyayari sa akin, may plano si God dun.. Kuya, thank you" sabi ko 

Hindi na din napigilan ng luha ko ang tumulo. Nakita kong tumutulo na din yung luha ng iba. Pero nung tinignan ko si Neo, nakatingin lang siya sa malayo habang lumuluha.

"Evo, Crush! Haha.. Alagaan mo yung bestfriend ko ha. Kung hindi mumultuhin kita, alagaan mo yan si Keisha. Alam ko kasing malulungkot yan ee, gusto kong ikaw mag-comfort sa kanya kapag nawala ako." sabi ko kay Evo

"Yes naman Crush" sabi ni Evo

Napatingin naman ako kay Yani. Ngumiti ako sa kanya.

"Yani. Thank you for being one of my friend. Basta, gusto ko lang na magbonding kayo. Alam kong gusto mo si Kuya, at alam kong gusto ka din ni Kuya. Alagaan mo Kuya ko ha. Isumbong mo sa akin kung may ginagawa siyang mali.. Ako na ang bahala.." sabi ko tapos ngumiti. Nakita kong namula si Kuya at Yani pero pinabayaan ko na yun. Hindi ko na din mapigilang hindi umiyak. Masakit magpaalam sa taong ayaw mong iwan.

"Clyde. Heart, haha.. Thank you for being my hero. Thank you for being always there when im in pain.. Thank you for not breaking my Trust. Thank you for everything. Hindi ko alam yung gagawin ko kung wala ka sa tabi ko nung mga oras na nasasaktan ako. Parang bestfriend na din kita pero syempre walang makakatalo kay Keisha haha.. Pero Clyde, thank you very much" sabi ko at ngumiti ng matamis sa kanya habang tuloy tuloy yung luha sa mga mata ko. Masyadong masakit, sobrang sakit magpaalam.

Bigla akong napatingin kay Keisha na iyak ng iyak na. Natawa ako kasi humahagulgol na siya ng iyak.

"Yah! Keisha! Stop crying, para kang bata" sabi ko

"Frances! Bakit ka nagsasalita ng ganyan?! Tsk. Ayoko sayo kasi iiwan mo na ako... WAHHHHHH" sabi ni Keisha at humagulgol nanaman ng iyak.

"Keisha. Sorry but i need to.. Thank you kasi isa ka din sa nandyan sa tuwing may problema ko. Matatakbuhan ko sa tuwing kailangan ko ng karamay.. Ikaw lang yung bestfriend ko na nakakaintindi sa akin.. Andyan ka sa tuwing pinapagalitan ako ni Mom. Halos awayin mo na yung mga tao sa tuwing inaaway o sinasaktan man nila ako.. Promise, di kita makakalimutan. Keisha, dangsin-eun hangsang naui gajang chinhan chingu ga doel geoya" sabi ko (You're always be my Best Friend)

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon