Chapter 44 *Lost*

5.4K 65 4
                                    

FRANCES' POV

 


Nagsimula na yung mga activities namin. Andito kami sa harapan ng beach at ang una naming activity ay paunahang kunin yung flag..

"Ok class. Hahatiin kayo sa dalawang team. Ang unang team na pinakamaraming makakuha ng flag na nasa dagat ay siyang winner. Ok? Lets start" sabi ni Maam

Malayo layo yung part kung nasaan yung mga flags. At ang mahirap pa dun ay matataas yung alon..

Kagrupo ko ni Neo, Keisha, Evo pero si Yani, Zeke at Clyde ay magkakafrupo sa kabila. Meron din namang ibang students na kagroup namin..

Nagsimula na, mas lamang yung team namin sa mga nakukuhang flags. Hanggang sa turn ko na, tinignan ko kung sino yung makakalaban ko...

O________O

Si Yani? Nagsmile lang ako sa kanya tapos nagsmile back naman siya. Lumusong na kami sa tubig pero dahil nga sa lakas ng alon ay naaanod ako pabalik...

Pero pinagpatuloy ko pa din yun.. 

"GO FRANCES!" narinig kong sigaw ni Keisha. Mas lalo akong lumusong pero par step ko sa baba may naapakan akong bato kaya natapilok ako..

At bigla akong nawalan ng malay...

CLYDE'S POV

Nagulat kami ng biglang natumba si Heart sa gitna, delikado kasi sobrang lakas ng alon...

"FRANCES!!!!!!!!" Narinig kong sigaw ni Keisha. Wala pa ding tumutulong kay Heart. Nalulunod na wala pa ding tumutulong?! Tsss...

Agad akong tumakbo kay Frances, kasabay ko si Neo na tumakbo papunta sa kanya pero agad siyang hinawakan ni Yani sa kamay..

So, wala akong choice kundi iligtas si Heart. Buti na lang at hindi siya inanod... Binuhat ko siya at tinignan yung mukha niya..

Bakit napakaamo ng mukha niya? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko habang nakatingin sa mukha niya. Sinalubong ako ni Neo pero sinangga ko lang yung balikat niya at nilapag si Heart sa may sand..

"Frances.. Wake up.." tinatapik tapik ni Keisha yung pisngi niya

"Clyde i-mouth to mouth respiration mo si Frances! Baka kung ano pang mangyari sa kanya!" naiiyak na sabi ni Keisha.

Wala na akong magagawa kundi ang gawin ang inuutos nila, pero bago ko hawakan yung mukha ni Heart ay tinabi na ni Neo yung kamay ko at siya ang gumawa ng dapat kong gawin...

YANI'S POV

Pinigilan ko si Neo na puntahan si Frances pero tinabig niya lang yung kamay ko.. Nakita ko yung pag-aalala niya kay Frances na lalong nagpasikip ng dibdib ko..

Pumunta si Neo kay Frances at tinabig niya si Clyde sa dapat nitong gagawin..

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon