Chapter 88 *Why?*

2.6K 33 0
                                    

FRANCES' POV

Sabay kaming bumalik ni Neo sa Van ng magkahawak ang kamay habang nakangiti. Lahat sila ay gulat na nakatingin sa amin.

"Nagbati na ang lovers?" tanong ni Yani habang nakangiti. Hindi na kami nagsalita ni Neo at ngumiti na lang.

"Frances. Siguraduhin mo lang na hindi ka na masasaktan pa." sabi ni Kuya tapos kinuha na niya yung mga gamit sa loob ng Van. 

 Alam kong may galit pa si Kuya kay Neo, pero hindi na mahalaga yun. Gusto ko lang maging masaya. Maging masaya hanggang sa mawala ako. Alam kong maiintindihan yun ni Kuya.

Napatingin ako sa barkada ko. Lahat sila masayang kinukuha yung mga gamit sa Van. Nakatingin lang ako sa kanila.

"Bakit ka tulala?" tanong ni Neo habang hawak hawak yung kamay ko.

"Masaya lang ako kasi masaya kayo. Alam kong kapag iniwan ko kayo magiging masaya pa din kayo" sabi ko

Naramdaman ko yung pagluwag ng hawak sa akin ni Neo. Tumingin na lang ako sa kanya at hinigpitan yung kapit sa kamay niya. Nginitian ko siya ng matamis.

"Dont worry. I'll be strong for all of you. Especially you" nakangiting sabi ko. Gusto ko maging panatag ang loob nila para maging masaya kami. Ayokong mag alala sila. Masisira lang nun yung outing.

Ngumiti na din si Neo at tumulong magbuhat ng ilang gamit sa loob ng Van. Agad na din akong pumunta dun para tumulong pero pinagalitan lang ako ni Kuya at magpahinga na lang hanggang sa pumunta na kami sa resthouse na tutuluyan namin.

Nung pumasok na kami ay malinis at maganda yung room. Tanaw mo din yung beach front. Bawat rooms ay may apat na bed. Ako, si Keisha, Yani at Francheska ay sa isang kwarto at yung mga lalaki naman ay sa kabilang kwarto.

Inayos ko na yung gamit ko sa kwarto at agad na lumabas ng kwarto, paglabas ko nakasalubong ko si Neo.

"Buko.. Bakit ka lumabas ng kwarto mo? Magpahinga ka muna" sabi ni Neo

"Gusto ko kasing makalanghap ng fresh air. Wanna come?" pag anyaya ko

Sabay kami ni Neo na pumunta sa tabing dagat nang magkahawak ang kamay. Habang naglalakad ay humahampas sa mukha ko yung hangin galing sa dagat.

"Sana ganito tayo forever" sabi ko kay Neo. Ngayon naman ay naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Ma--" naputol yung sasabihin ko ng biglang umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa tiyan ko at sumuka.

Pero imbis na normal ang suka ko ay kulay dugo ito, nagpapahiwatig na malala na yung sakit ko. Hindi mapigilang hindi tumulo yung luha ko.

NEO'S POV

"Ma--" naputol yung sasabihin ni Frances ng bigla siyang sumuka. Nagulat ako dahil dugo na yung sinusuka niya, agad na napaupo sa buhangin si Frances.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon