Chapter 60 *Hope*

4.9K 50 2
                                    

FRANCES' POV

Dahil summer na ay nasa bakasyon na ang mga tao pero ako andito sa bahay, baka daw pumunta kami ng Baguio next week para makapagbakasyon pero hindi pa sure.

Mas lalo kasing naging busy yung hotel namin, dahil maraming nagbabakasyon sa pilipinas at sa hotel namin tumutuloy..

Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko at nagcocomputer, Im checking some updates sa Summer outing namin. Si Keisha nanaman ang may pakana nito...

Pupunta daw kami sa Resort nila sa batangas at magstay kami ng one week dun with the whole barkada :)

Habang nagscroll ako nakita ko nga na tuloy na yung outing, at schedule ito sa last week ng april. Well, matagal pa kaya siguro ay sa susunod na ako mag-aayos ng gamit ko...

"Frances.. Andyan na yung Mom at Dad mo" sabi ni Yaya. Kinlose ko na yung laptop ko at bumaba na. Mukhang wala sa mood sina Mom at Dad kaya umayos ako...

"Frances.. Me and your Dad are going to Frances. May malaking problema dun, so our vacation in Baguio is cancelled. Aalis na din kami ngayon.." sabi ni Mom

"Mom.. Uh, kasi pupunta po sina Keisha sa resort nila sa batangas. Can i go with them?" sabi ko

"Of course, just be good.. Okay?" sabi ni Mom at umalis na sila ni Dad. Hindi na sila namomroblema sa susuotin nila kasi may mga available clothes na sila dun. 

*sigh* Naiwan nanaman akong mag isa dito...

Siguro bibisita muna ako kina Neo. Nagpaalam muna ako kay Yaya na lalabas tapos naglakad na lang ako, dahil mainit yung panahon ay nagdala na din ako ng payong...

Nung nasa harap na ako ng bahay nina Neo ay nagdoorbell na ako, sumalubong sa akin yung Mama niya..

"Hi po Tita" sabi ko

"Oh France.. Bakit ka nandito? Kala ko magkasama kayo ni Neo" sabi ni Tita

"Po? Hindi po, andito nga po ako para bisitahin siya ee" sabi ko

"Sabi kasi ni Neo ay lalabas sila ng girlfriend niya kaya ikaw kaagad ang una kong naisip" sabi ni Tita

Nakaramdam ako ng kaba. Pero imposible, kasi.. kasi.. may trust ako kay Neo..

"Sige po tita, una na po ako.. Bibisita na lang ako next time.. Paki sabi po kay Neo na tawagan po ako.. Thank you po" sabi ko at umalis na ako.

Pupunta na lang siguro ako kay Keisha, habang naglalakad ako papunta sa kanila. Nakaramdam ako ng hilo, pero nagdiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa nasa harap na ako ng bahay nina Keisha...

Nagdoorbell ako ng ilang beses kasi sobrang nahihilo na ako, may naramdaman din akong liquid na tumulo sa ilong ko nung hinawakan ko ito, i saw a blood..

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon