Chapter 87 *Infinity and Beyond*

2.5K 29 0
                                    

FRANCES' POV

"Im going to miss you.. I will really miss you." sabi ko habang walang tigil sa kakaiyak

Habang mahimbing kasi akong natutulog kanina ay may napanaginipan ako. Sinama daw ako nung Lola ko ding namatay sa isang napakatahimik na lugar, isang isla. Habang sa kabilang isla naman nandun lahat ng taong nakasama ko sa buhay ko. Lahat sila nakatingin sa akin at umiiyak.

Naramdaman ko na lang yung mahigpit na pagyakap sa akin ni Kuya, niyakap ko din siya ng mahigpit dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka di ko na siya mayakap sa susunod pang mga oras.

"Frances. Be strong okay? Kahit anong mangyari lagi akong nasa tabi mo. A-andito lang ako" sabi ni Kuya

"Kuya. Feeling ko kasi malapit na, malapit na akong mawala. Kuya.. Dito ka lang sa tabi ko. Wag mo akong iiwan" sabi ko

"Frances. Ito lang ang sasabihin ko, kapag nahihirapan ka na, alam mo na ang gagawin mo. Pero hanggang kaya mo pa, kayanin mo.." sabi ni Kuya

*tok* *tok* *tok*

Umalis muna sa pagkakayakap si Kuya sa akin at binuksan yung pinto. May kinausap siya pero mga ilang minuto lang ay nagkaroon na ng tensyon sa pagitan ni Kuya at nung kausap niya. Di ko nakikita yung mukha ng kausap niya dahil nasa labas sila.

"SABI KO BAWAL SIYANG PUMUNTA DITO!" galit na sabi ni Kuya

*I THINK I – BYUL*

"F-F-FRANCES! Frances. K-kausapin mo ako! Please. K-kahit ngayon lang" narinig kong sabi ng isang boses na sobrang pamilyar.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, at may namumuong mga luha nanaman sa mga mata ko. Napatingin sa akin si Kuya at parang humihingi ng permiso kung papapasukin ko ba o hindi.

"Frances! Please... K-kausapin mo ako!" narinig kong sigaw ni Neo

Nagnod lang ako kay Kuya na ibig sabihin ay papasukin si Neo. Nag aalangan pa si Kuya pero agad din siyang lumabas upang papasukin si Neo.

Agad na pumasok si Neo at pagpasok na pagpasok niya ay tinitigan niya ako at agad na niyakap. Ramdam ko yung init ng yakap niya pero hindi ako dapat magpatalo sa nararamdaman ko.

"Frances. H-hindi ko ginawa yun. Hindi ko yun ginusto. Frances, hindi naman totoo yung sinabi nilang hindi mo na ako mahal diba? Frances. Mahal kita, at alam kong mahal mo din ako" sabi ni Neo habang yakap yakap ako. Ramdam kong umiiyak siya dahil sumisinghot singhot na siya.

"N-neo.. Hindi ako makahinga" sabi ko at inalis yung pagkakayakap niya sa akin. Hahawakan niya dapat yung kamay ko pero agad ko itong inilayo. Dun ko nakumpirma na umiiyak nga siya.

"Anong gusto mong pag usapan natin?" malamig na sabi ko

"Frances... Bakit ganyan ka? A-ayaw mo na ba akong makita?" sabi ni Neo habang nakatingin sa akin.

Pilit kong nilakasan ang loob ko upang sabihin yung dapat kong sabihin, pinilit ko ding patigilin yung pagtulo ng luha ko pero hindi ko kaya.

"Y-yes. I-i dont want to see you. Ever.. At kung bakit ako ganito? Simple lang, narealize ko kasi na sobra ko na pa lang tanga pagdating sa love. Niloko mo nanaman ako." sabi ko habang tumutulo yung luha ko

"Alam kong mahal mo pa ako.. Frances, kung di mo ako mahal hindi ka iiyak ng ganyan.. Kilala na kita Quinn Frances Lee." sabi ni Neo

"No.. Im now crying not because of you. Alam mo kung bakit?! Because im dying pero puro pain pa din yung nararamdaman ko, hindi ba pwedeng kahit sa last na hininga ko good things naman yung mangyari! Just now Neo, Just... Now... Yun lang ang hiling ko, To be happy!" Humahagulgol kong sabi

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon