Chapter 42 *True Feelings*

5.1K 65 1
                                    

FRANCES' POV

Sabay kaming pumasok ni Neo sa room namin ng magkahawak kamay. Nahihiya tuloy ako kasi lahat ng nadadaanan namin napapatingin sa amin.. >///<

"Uh.. N-neo.. Yung kamay ko.." sabi ko tapos pilit na hinahatak yung kamay ko papunta sa akin. Di ko na kasi alam kung ano yung ire-react ko sa nangyayari ngayon..

Buti na lang at inalis niya kaagad yung kamay niya. Pumasok na ako sa classroom at nakita ko si Clyde na nakayuko lang sa gilid. 

Naaawa na ako kay Clyde, kasi ayaw ni Neo akong ipakausap sa kanya simula nung araw na nalasing ako..

"Heart.. Pansinin mo na ako oh.. Nagsisisi na nga ako ee.. Di ko rin naman gusto yun ee..." sabi ni Clyde pagkaupo ko sa upuan ko

"Uh.. Si Neo kasi.. Ayaw ka niy---" Pinutol ni Clyde yung sasabihin ko 

"Frances. Hindi ka pagmamay ari ni Neo para sundin mo siya.. Kaibigan mo ako.. Alam kong mali yung ginawa ko kaya nga nagsisisi na ako sa ginawa ko ee. Please Heart.. Pansinin mo na ako..." sabi ni Clyde

Nagsmile ako kay Clyde at nagnod. Sino ba ako para hindi magpatawad? 

"Talaga?" sabi Clyde sabay yakap sa akin. Nagsmile na lang ako...

"Tsss! Kalandian nga naman! Sinabing wag makipag usap ee! Di ba makaintindi?" nagulat ako sa pagsigaw ni Neo sa likod ko

Malandi? Ako? I just hugged my friend. Thats it.. Anong meron dun? Eh kung kausapin ko si Clyde ano bang problema nitong lalaking ito...

Kumalas ako sa yakap ni Clyde at hinarap si Neo. Nakaglare lang siya sa akin... 

"Whats your problem?!" galit na sabi ko sa kanya. Kahit na galit ako alam kong malumanay pa din yung boses ko..

"Ikaw! Ano bang problema mo?! Sinabi kong wag kang makipag usap diyan sa lalaking yan! Anong ginagawa mo?! May payakap yakap pa. Ang landi niyo!" sigaw ni Neo

*SLAP*

"You dont have the rights to call me a flirt! Clyde is my friend thats why im talking to him! You have no right to forbid me! Sino ka ba para pagbawalan ako?!" galit na sabi ko sa kanya

Ang sakit naman niyang magsalita! Napakasadista niya.. Feeling ko anytime tutulo na yung luha ko.. Nakatingin lang ako sa mga mata niya..

*plok* May isang munting luha ang tumulo sa mga mata ko. Gahhh! Di ko man lang napigilan.. Agad ko itong pinunasan at tumakbo papuntang CR

Inayos ko yung sarili ko sa CR at lumabas na. Paglabas ko nakita ko si Neo na nakasandal sa may wall habang nakalagay yung mga kamay niya sa bulsa niya..

Bigla nanaman ako nakaramdam ng feeling na di ko maexplain. Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad ko..

"Frances.. wait..." sabi ni Neo tapos hinatak niya yung braso ko. Pilit kong inaalis yung kamay niya dun pero hindi kaya ng lakas ko.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon