Chapter 75 *Letting him go*

4.8K 57 6
                                    

CLYDE’S POV

Tumawag sa akin si Zeke, sinugod nanaman daw si Frances sa ospital. Matutulog na sa ako pero napabangon ako at dali daling pumunta sa ospital. Mahal ko e.

Nakita ko si Zeke habang nasa harap ng ospital, nakasandal siya sa gilid at nakayuko.

“Pre. Asan si Frances?” tanong ko

“Nasa room 14” mahinang bulong niya. Nakita ko yung pag-aalala sa boses niya.

Agad naman akong pumunta sa room 14. Nakita ko si Frances, nakahiga pero hindi na tulad ng dati. Madami ng nakakabit sa katawan niya.

Gising si Frances at nakatingin sa kawalan.

“Frances…” dahan dahan siyang tumingin sa akin. Nung nakita niya ako ay ngumiti siya.

“Clyde. Anong ginagawa mo dito? Naabala pa kita” sabi niya. Bakas yung lungkot sa boses niya. Pumunta lang ako sa tabi niya at hinawakan yung kamay niya.

“Magiging okay ka din. Andito lang ako sa tabi mo”

“Thank you Clyde” mahinang bulong niya. Siguro nga nanghihina na siya.

“Frances. Why don’t you take chemotherapy? Para mas madali kang gumaling”

“No. Mas napapadali pa nga yata yung pagkamatay ko dun. I won’t take any therapy or operation Clyde. I’ll just wait for the right time”

ZEKE’S POV

Nung sinugod si Frances sa ospital ay kinausap ako ng Doctor. As usual, wala yung parents naming kaya ako ang makikipag usap.

“Frances needs to undergo chemotherapy. Asap. Zeke, mahina na yung katawan niya. She doesn’t take her medicines. Kapag pinagpatuloy niya pa yung ginagawa niya, pwede niya yung ikamatay” sabi ng Doctor at umalis.

Naiwan akong tulala. Tinawagan ko si Clyde para sabihing sinugod si Frances sa ospital. Ganun din si Keisha at Evo.

Lumabas muna ako para magpahangin, ayokong harapin si Frances. Nahihiya ako sa sinabi ko sa kanya, may sakit siya at ganon pa ang trato ko sa kanya.

Dumating si Clyde. Naghintay lang ako ng ilang oras bago pumunta ulit sa room ni Frances. Tahimik lang sila dun, pagsilip ko ay tulog na si Clyde sa gilid ni Frances.

Agad akong pumasok.

“Clyde, umuwi ka na. Bukas ka na lang bumalik” tinapik ko si Clyde. Nagnod naman siya at nagpaalam kay Frances.

Tahimik lang kami ni Frances, walang gusting magsalita hanggang sa binasag niya yung katahimikan.

“I want to go home. Malakas na ako” sabi niya

“Ipapaschedule ko yung chemotherapy mo”

“No! Ayoko diba?! Can you please understand?”

“Frances. Sa ayaw at sa gusto mo. Gagawin mo yung gusto ko”

“No! Sino ka ba?! You want me to forgot that you’re my brother?”

“GO ON! KALIMUTAN MONG KAPATID MO AKO! PERO KAILANGAN MONG MAGPAGALING! Frances naman! Lagi kang ganyan! Lagi mong sinasabi na kakalimutan mo ako kapag hindi sinunod yung gusto mo! All I want is your safety! Frances, kahit pagbalikbaliktarin pa din yung mundo. Kapatid kita”

“Kapatid? Haha pero sinaktan mo ako!” hindi siya makasigaw dahil nanghihina siya

“Yan na lang ba palagi? Sinaktan? Frances! Kasalanan ko ban a mapunta ako sa ibang pamilya?! Frances, hindi ko alam. Wala akong alam. At yan na lang baa ng parati mong iisipin?! Na nasaktan ka? Anong tingin mo sa tao sa paligid mo? Hindi nasasaktan? Frances. Please. Move on. Everybody deserves happiness” sabi ko

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon