FRANCES’ POV
Pagkagising ko, pumasok ako kaagad. Wala akong shooting o ano mang photoshoot kaya mas pinili ko na lang pumasok. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na si Clyde na papasok na din, agad akong tumakbo papalapit sa kanya.
“Hi Clyde!” masayang bati ko. Nagulat yata siya dahil ang energetic ko ngayon. Di ko alam, pero paggising ko ang gusto ko lang gawin ay ngumiti at magsaya.
“Oh? Parang ang saya mo”
“I want to be happy Clyde.” Sabi ko. Sinabit ko yung kamay ko sa braso niya at sabay kaming pumasok. Hindi kami magkaschedule sa umaga kaya magkaiba kami ng sched. Nakakalungkot, gusto kong kasama si Clyde.
Hinatid niya muna ako sa room ko at dumiretso siya sa room niya. Accountancy yung course niya. Nung umalis na siya ay lumabas ako ng room ko at pumunta sa oofice ng school.
CLYDE’S POV
Habang naglelecture yung teacher naming, may kumatok sa pinto. Pumasok yung guidance at nagsalita.
“May papasok dito na student galing ibang course.” Lahat kami tumingin sa pinto at nagulat kami dahil nandun si Frances habang nakangiti.
“Hi” bati niya habang kumakaway kaway pa. May bag okay Frances, parang ang liwanang ng mukha niya. Napatingin naman ako sa gilid ko, nandun si Neo at Yani. Parehas kami ng course kaya magkasama kami sa isang room. Nakatingin siya kay Frances, parang tutunawin niya na ng tingin niya si Frances.
Umalis na yung guidance at naiwan na lang si Frances. Nagpakilala siya sa harap namin.
NEO’S POV
Nagulat ako nung pumasok si Frances. Nagkarera nanaman yung puso ko, nagpakilala si Frances pero nakatingin lang siya kay Clyde.
“Hi. Im Frances Lee, I have one important thing to say. That boy is mine. So back off” sabi ni Frances habang nakaturo kay Clyde pero nakita ko siyang tumingin sa akin habang nakasmirk.
Naalala ko yung sinabi ko nung nagpakilala ako dati. Nung kaklase ko pa siya.
"Neo Harley Javier. 16. I have one important thing to say. That girl is mine. so Back off"
Naghiyawan yung buong klase sa sinabi ni Frances. Dumiretso na si Frances at tumabi kay Clyde. Malapit lang sila sa amin kaya dinig na dinig ko yung sinasabi nila.
“Ba’t ka lumipat ng course?” tanong ni Clyde kay Frances
“Ehhh. Follow your dreams daw ee kaya sinundan kita” sabi ni Frances. Buong klase ay wala akong naintindihan, nakatulala lang ako buong klase.
“Neo halika na. Break na!” yaya ni Yani sa akin. Dun lang ako natauhan. Bumili kami ng pagkain ni Yani at dumiretso sa rooftop pero nung nasa rooftop kami ay nakita ko si Frances at Clyde habang masayang nagtatawanan. Ngayon ko na lang ulit nakita si Frances na tumawa ng ganyan.
Nabitawan ko yung hawak ko kaya napatingin sila, dahil ayokong mahalata na nagulata ko ay agad kong hinatak yung mukha ni Yani at hinalikan.
FRANCES’ POV
Umakyat kami ni Clyde sa rooftop habang masayang nag uusap. Di pa naman kasi kami gutom kaya nagpahangin na lang kami. Ayokong gawing topic yung about sa sakit ko kaya iniiwasan ko yung malulungkot na sasabihin.
“Sira ka talaga! Nagulat talaga ako nung pumasok ka sa room namin” natatawang sabi ni Clyde
“Eh kasi naman, wala akong kausap sa room ko kaya naisipan kong magshift ng course haha”
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Teen FictionNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?