Chapter 51 *Bonding*

5.1K 55 4
                                    

FRANCES' POv

 


"Okay Frances.. Lets go.." sabi ni Mom tapos pumasok na siya sa loob ng sasakyan

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng magbati kami ni Neo at ngayon ay pupunta kami sa company ni Mama para sa photoshoot ko...

Remember? Im the new model of our company.. Jan 7 na ngayon at umabsent ako para lang sa photoshoot na ito.. Pinaalam naman daw ako ni Mom sa principal and other school stuffs..

30 minutes lang ang byahe papunta sa company ni Mom kung saan ako magpophotoshoot.. Habang nasa biyahe ay walang tigil sa kakatext si Neo. Mas lalo siyang naging sweet simula ng matapos yung christmas

Nung 12:00 midnight naman nung new year tinawagan niya pa ako para sabihing Happy New Year haha tapos binigay na din niya yung gift niya sa akin. Isang human size na teddy bear..

Tinanong nga ni Mom kung saan galing ee, sabi ko galing kay Keisha. Naiintindihan naman ni Neo yung secret relationship namin sa parents ko pero siya pinakilala na niya ako sa parents niya except sa Dad niya..

Di ko pa nga namimeet yung Dad niya ee kasi lagi daw wala sa bahay nila..

Si Clyde naman niregaluhan ako ng necklace.. Yung necklace na binili niya sa couple shop para sa amin pala yun ni Neo hahaha..

"We're here.. Halika na Frances" sabi ni Mom. Di ko namalayan na nandito na kami sa harap ng company. Malaki yung building tapos mukha talagang pinagkagastusan yung bawat details...

Pumasok na kami sa loob hanggang sa pumasok kami sa isang door tapos bumungad sa akin yung lugar kung saan kami magpophotoshoot....

"Is that your daughter Madam Lee?" sabi nung parang isang gay .__.

"Yes Tracy,.. She's my daughter.. Beautiful right? Ikaw na bahala sa kanya.. Pupunta pa ako sa office ko" sabi ni Mom tapos tumingin sa akin

"Frances... Make me proud" sabi ni Mom tapos lumabas na ng room

"Oww! Ikaw pala yung anak ni Madam Lee! Ang ganda ganda mo.. Manang mana ka sa iyong Mommy!" sabi ni Tracy

Nagsmile lang ako sa kanya. 

"Ok. Lets start.. Aayusan na kita.." sabi nung Tracy tapos pinaupo niya ako sa harap ng mirror tapos inayo yung buhok ko. Pagkatapos ay minake up-an niya ako

Sinuotan nila ako ng mga accesories na gawa ng company namin at yung damit na sobrang mamahalin daw..

"Hindi mo ba alam na itong damit na ito ay isa sa pinakamahal na damit na binibenta ng Fashion company niyo.." sabi ni Tracy tapos pinakita sa akin yung parang pink or red na dress. Pinasuot nila sa akin ito...

Nagsimula na yung photoshoot at iba ibang post ang ginawa ko. Iba iba ding damit ang pinasuot sa akin...

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon