Chapter 59 *Every Ending has a New Beginning*

4.9K 54 7
                                    


Hindi pa po revelation. Marami pa po kasing mangyayari sa story na ito haha :> Sorry kung sobrang tagal ng revelation, pabayaan niyo baka mga 5 chapters na lang bago ang revelation haha.. 

LOVELOTS <3

Yung Chapter 58 dinedicate ko kay KrizelVirtucio kasi siya yung first comment hihi! LOVELOTSSS :>



****

FRANCES' POV



"W-whats the meaning of this?" tanong ko kay Neo at Yani habang magkayakap

Napatingin sila sa akin at inalis nila nag pagkakayakap nila sa isa't isa..

"Frances let----" Pinutol ni Yani yung sasabihin ni Neo. Ngumiti si Yani at tumingin sa mga mata ko..

"Sorry Frances ha.. Nagpacomfort lang kasi ako kay Neo.. May malaki kasi akong problema, hindi naman siguro masama kasi bestfriend ko siya diba?" sabi ni Yani habang pinupunasan yung mga luha sa mata niya

Tumingin ako sa mga mata ni Neo...

"O-oo Frances, sorry di kita nasabihan gusto kasi mapag isa ni Yani.." sabi ni Neo. Nakaramdam ako ng relief nung nagsalita siya. Yung nag aalalang mukha ko kanina ay napalitan ng mga ngiti..

Lumapit ako kay Yani at niyakap siya ng mahigpit..

"Yani.. Kung ano man yang problema mo pwede mong sabihin sa akin, wag mong solohin ha? We love you Yani andito lang kami for you.. Sige na, kukunin ko na si Neo ha kasi may klase pa kami" sabi ko tapos humiwalay na ako sa yakap ko sa kanya

"Halika na Neo.." sabi ko tapos hinawakan ko si Neo sa kamay niya at hinila na siya pero imbis na sumunod siya ay binitawan niya yung kamay ko. 

Napatingin ako sa kanya habang nagtatanong yung mga mata ko kung bakit? Sumakit yung dibdib ko sa ginawa niya...

"P-p-pasmado kasi yung kamay ko.. Pawis kaya mabaho... Halika na" sabi ni Neo at una na siyang naglakad. 

Tumingin ako kay Yani at ngumiti at sinundan na si Neo. Nung nakarating kami sa classroom ay hindi niya ako pinapansin. Ano kaya ang problema niya?

Nung natapos na yung klase ay hindi na ako hinintay ni Neo, may gagawin pa daw siya. Agad kong niligpit yung gamit ko at tumakbo palabas. 

"Frances! Wait" sigaw ni Clyde pero wala na akong oras. Kailangan kong maabutan si Neo

Nung lumabas ako nakita ko si Neo habang naglalakad sa corridor..

"NEO!" sigaw ko. Lahat ng tao sa corridor ay napatingin sa akin pati si Neo. Kumunot yung noo niya sa akin. Ano bang problema niya?

"Wait!" sabi ko tapos tumakbo ako papunta sa kanya pero hindi pa ako nakakarating sa kanya ay bigla akong nadapa at tumapon yung mga libro ko sa floor.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon