Chapter 81 *Francheska*

4.9K 51 8
                                    

FRANCES’ POV

*KISS IN THE RAIN – YIRUMA*

Agad akong dumiretso sa park kung saan sinabi ni Neo. Nakapagdecide na ako, gusto kong maging masaya at ito na lang ang paraan. Ayokong mamatay ng malungkot.

Pagdating ko sa park wala pa si Neo, siguro may dinaanan lang. Naupo ako sa swing at hinintay siya. Ilang Segundo, minute at oras ang lumipas.

Unti unti akong nawalan ng pag asa.                               

“Niloko nanaman niya ako…” mahinang bulong ko habang mapait na nakangiti. Napayuko ako at unti unting tumulo ang mumunting luha sa mata ko at kasabay nun ay umulan ng malakas. Lahat ng bata sa park ay nagsitakbuhan papauwi sa kanila.

Mas pinili kong manatili na lang dun. Sabay sa ulan ang pagtulo ng luha ko.

“ILANG BESES MO BA AKONG LOLOKOHIN?!” dahil sa galit at halo halong emosyon ay napasigaw ako sa galit. Ayoko na, ang sakit sakit.

Hanggang sa may narinig akong papadating na sasakyan. Napatingin ako, nanlalabo ang mata ko dahil sa magkahalong luha. Nagstop yung kotse sa harap ko mismo, pilit kong inaaninag kung sino yun, familiar din kasi yung kotse. Parang kay Kuya.

May lumabas dun na lalaki, siguro si Kuya nga. Susunduin ako para sabihing niloko nanaman ako ni Neo. Dahan dahan siyang lumapit sa akin, di ko pa din maaninag yung mukha niya. Sobrang lakas ng ulan at ganun din ang pagtulo ng luha ko.

“F-frances.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nandito nanaman ba siya para sabihin sa akin na niloko niya ako?

“I know it’s a lie. Ginamit mo nanaman ako” diretsong sabi ko habang nakatingin ako sa mata niya. Parehas na kaming nababasa ng ulan.

“F-frances. B-b-bakit di mo sinabi? BAKIT AKO ANG DAPAT HULING MAKAALAM?!” sumigaw na siya na mas lalo kong ikinaiyak. Alam na niya….

“So, does it matter Neo?! IM DYING! Does it matter to you?”

“Yes Frances. Hindi ka mamamatay! Kapag nangyari yun, susundan kita” bigla niya akong niyakap.

“I’ve been waiting for almost 4hours. Where have you been? Niloloko mo nanaman ba ako? Please tell me if Yes, kasi sawang sawa na ako” I told him.

“No. Umalis si Yani papuntang America. Thanks to her, kasi kapag hindi ko siya pinuntahan hindi mo sasabihin sa aking may sakit ka”

“P-paano kung sabihin kong hindi pa din kita pinapatawad?”

"Wala akong pakielam kung hindi mo na ako patawarin pero ipapangako ko sayo na liligawan kita hanggang sa mapatawad mo ako. Liligawan kita kahit ayaw mo kasi hindi ako mabubuhay kung wala ka. Fraces, mahal kita"

“Neo. Im dying”

“No. You are not going to die. We are going to fight together but please promise me that you will fight with me. Don’t fight alone Frances” sabi niya

Gustoo kong umiyak, wala na akong pag asa. Paano pa ako lalaban? Mamamatay na ako pero paano pa ako lalaban? Masyado na akong mahina para lumaban.

“I will fight with you Neo. I love you..” I lied. Sorry Neo, susubukan kong lumaban kahit wala nang pag asa. Kahit alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na ako gagaling pa.

NEO’S POV

Agad kong binuhat si Frances papasok ng sasakyan. Nahimatay siya, mainit din yung katawan niya. Nilalagnat siya. Agad ko siyang inuwi sa kanila.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon