Chapter 69 *Kuya*

5.1K 61 4
                                    

FRANCES’ POV

Naghihintay ako sa entrance ng mall, nakita kong nandun na si Neo papadating. Act sweet Frances, be a demure princess and make him fall then break his heart.

“Hi” bati ni Neo

“Uhh. Wala kasi si Clyde, pwede ba akong magpasama. Bibili sana ako ng damit” sabi ko habang suot ang matamis kong ngiti.

“F-frances. Bak—“

“Hindi naman palagi dapat makipagaway. Neo, nakamove on na ako. May pinagsamahan tayo at gusto kong maging magkaibigan tayo” I lied

“S-sige” sabi niya. Nagsimula na kaming maglakad, ang awkward hanggang nagsimula siyang magsalita.

“Uh. Kamusta? Pasensya na pala sa sinabi ko kanina”

“Okay lang naman ako. Okay lang yung kanina” sabi  ko. Nakacap at shades ako para walang makakilala sa akin.

Namili na kami ng damit, at tinreat niya naman ako ng pagkain. Habang naglalakad kami ay inalis ko na yung shades at cap ko, nagsimulang magbulungan yung mga tao at nagpuntahan sa akin.

Nagpapicture at nagpa-autograph, nagsimulang mawala si Neo sa paningin ko gaya ng gusto ko. Agad na akong dumiretso sa labas at sumakay ng taxi. Pagdating ko ng bahay nakita ko si Zeke nakaupo sa sala.

“Hi” bati ko, mukhang nagulat yata siya sa pagbati ko sa kanya.

“h-hi, Kumain ka na? Nagluto ako” may ngiti sa labi na sabi niya

“No. Baka lasunin mo ako” sabi ko habang may matamis na ngiti sa labi. Tumaas na ako sa kwarto, nagbihis na ako pero may biglang kumirot sa abdomen ko, kaya napaupo ako.

Pinipilit ko na wag sumigaw sa sakit. Napahawak lang ako dun habang nakahiga na ako sa floor. Ramdam ko yung malamig na pawis na dumadaloy sa noo ko

“Argghhhhh! H-help!” pinipiliit ko ng sumigaw pero mas lalong sumasakit.

“Fran—“ binuksan ni manang yung pinto at nagulat.

“FRANCES! JUSKO! HIJA! ZEKE! TULONG SI FRANCES” rinig kong sigaw ni manang, dahil nanghihina na ako ay nawalan na ako ng malay.

ZEKE’S POV

“Hi” bati ni Frances habang masayang nakangiti sa akin. Nagulat ako, napatawad na ba niya ako?

“h-hi, Kumain ka na? Nagluto ako” sabi ko habang nakangiti.

“No. Baka lasunin mo ako” matamis pa din yung ngiti niya pero ba’t ganyan siya? May pinaplano ba siya. Napabuntong hininga na lang ako.

“Zeke. Tatawagin ko lang si Frances para sabay sabay na kumain” sabi ni manang at tumaas sa kwarto ni Frances.

“FRANCES! JUSKO! HIJA! ZEKE! TULONG SI FRANCES” nagulat ako sa sigaw ni manang kaya agad akong tumaas para tignan yung nangyayari. Nakita ko si Frrances habang nakahiga sa sahig walang malay habang pawis na pawis at namumutla.

Parang nagkarerahan yung puso ko sa kaba kaya agad ko siyang binuhat, sinakay ko si Frances sa likod ng sasakyan kasama niya dun si manang. Agad ko namang pinaharurot yung sasakyan.

Habang nagmamaneho, kung ano anong bagay ang iniisip ko. Kahit masama ang trato sa akin ni Frances, mahal ko siya dahil kapatid ko siya.

Gagawin ko lahat, mapatawad niya lang ako. Kung mamatay ako mapatawad niya lang ako, gagawin ko. Masyado akong nagsisisi sa ginawa ko sa kanya.

Nakarating na kami sa ospital at pinunta na si Frances sa isang room para icheck. Tinawagan ko din yung parents naming para masabihan sila pero trabaho ang inuna nila.

Lumabas yung Doctor , lumapit siya sa akin. Bakas sa mukha niya na may bad news siya.

“I need to talk to you” sabi nung Doctor “Your sister’s case is very serious but she doesn’t take it seriously. Hindi siya umiinom ng gamot, nagpapagod siya at palagi siyang stress. Mas lalong naging malala yung sakit niya, she needs to take her medicine or let her body give up”

Naiwan akong tulala. Why does she need to suffer like this?

**

Gabi na din kaya lumabas ako para bilhan si Frances ng makakain pero nakasalubong ko si Neo at Yani papasok ng ospital.

“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko

“Sumakit yung ulo ni Yani kaya nagpunta kami dito” sabi ni Neo “Ikaw, ba’t ka nandito?”

“Ha? Wala, may binisita lang” sabi ko. Ayaw ipasabi ni Frances na may sakit siya kaya mas mabuting si Frances na ang magsabi kay Neo, pero wala na sila kaya wala ng pakielam dun si Neo.

Tinignan ko si Yani, nakatingin din siya sa akin. Tinigil na ng pamilya ko yung engagement naming ni Yani dahil nakita na yung biological parents ko pero di ko pa din maiwasang sundan siya. Iba na ang nararamdaman ko sa kanya.

“Si Frances pala?” tanong ni Neo

“N-nasa bahay, nagpapahinga”

“Ah. Sige mauna na kami” paalam ni Neo. Bumili na din ako ngg pagkain ni Frances at bumalik na din agad. Naabutan kong gising si Frances habang nakatingin sa kawalan.

“Kamusta ka na?”

“Tss. Kelan ka titigil sa pag-arte mo?” di ko na lang pinansin yung sinabi niya.

“Kainin mo ‘tong lugaw para magkalaman yung tyan mo. Mainit pa kaya kainin mo na” sabi ko, nilagay ko sa tray yung lugaw at nilapag sa kama niya pero tinabig niya yun kaya natapon sa kamay ko.

“ANO BA?! CAN YOU PLS STOP THIS NONSENSE?!” sigaw niya. Pilit kong iniintindi siya, ayokong masigawan siya. Ako ang nagkamali kaya dapat kong tanggapin ang galit niya.

FRANCES’ POV

Unti unti kong binuksan yung mata ko, nasa ospital nanaman ako. Whats new? My body is weak so im dying. Nakatulala lang ako ng pumasok si Zeke. May dala siyang plastic

“Kamusta ka na?” sabi niya

“Tss. Kelan ka titigil sa pag-arte mo?” di niya pinansin yung sinabi ko, Nakangiti lang siya, nilagay niya sa tray yung lugaw na binili niya.

 “Kainin mo ‘tong lugaw para magkalaman yung tyan mo. Mainit pa kaya kainin mo na” Agad kong tinabig yun, natapon sa kamay niya, Nakita kong naoangiwi siya sa sakit pero nagsmile lang siya ulit.

“ANO BA?! CAN YOU PLS STOP THIS NONSENSE?!” pero di siya nagsalita. Nilinis niya lang yung natapon na lugaw. Nakatingin ako sa kamay niya, namumula. Nakaramdam ako ng guilt, no I should not.

Tumayo siya at nagsalin ng tubig sa glass na baso at inabot yun sa akin.

“Baka nauuhaw ka na” pero tinabig ko din yun kaya nabasag, pinulot niya at nakita kong parang wala siyang pakielam dahil nasusugat na yung kamay niya, Tumutuko na yung blood sa kamay niya dahil sa diin ng pagkakahawak niya.

“Z-zeke” pinunasan niya yung mukha niya at humarap sa akin ng nakangiti. Namumula yung mata niya.

“Why are you doing these? You should give up” sabi ko

“No. Hihintayin ko yung araw na sabihan mo akong kuya. And if that day happens, I promised. Poprotektahan kita, di na kita sasaktan.” Sabi niya. May luhang tumulo sa mata ko sa sinabi niyang yun.

“Maghuhugas lang ako” sabi niya at lumabas pero bago pa siya makalabas may salitang kusang lumabas sa bibig ko.

“Kuya Zeke”

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon