Chapter 71 *Changed*

4.9K 57 4
                                    

CLYDE’S POV

Nakatingin lang ako sa kanila habang magkayakap. Nakita kong may sinabi si Neo pero di ko na yun narinig dahil malayo sila sa akin.

Hanggang nakita kong nawalan ng malay si Frances, pupuntahan ko na sana siya pero napatigil yung paa ko.

Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko siya o aalis na ako, pero nag-appear sa utak ko yung masasayang ngiti ni Frances. Pinangako ko sa kanya na di na siya masasaktan at dapat kong panindigan yun.

Mahal ko si Frances, at gagawin ko lahat para sa kanya. Dahan dahan akong lumapit papalapit kay Neo, alam kong napansin na ako ni Neo kaya humarap siya sa akin.

“Ikaw na mag uwi sa kanya” sabi ni Neo. Nakita ko sa mata niya yung pain, bakit?

Agad kong kinuha si Frances, lalabas na sana ako nung marinig ko siyang magsalita.

“Babawi ako Clyde, babawiin ko si Frances at di ko na siya lolokohin” napantig yung tenga ko sa narinig niya. Nilapag ko muna si Frances sa isang upuan at nilapitan si Neo.

“GAGO KA!” sigaw ko kay Neo at sinuntok siya

“Wala kang karapatang bawiin si Frances! Pagtapos mo siyang lokohin, babawiin mo siya?! PAANO SI YANI?! LAHAT NA LANG BA NG BABAE SA MUNDO, LOLOKOHIN MO?!”

“Hindi ko na alam, hindi ko na alam yung nararamdaman ko” mahinang bulong niya

“Alamin mo muna yung nararamdaman mo. Ayokong masaktan uli si Frances” sabi ko at binuhat si Frances. Gaya ng dati, dinala ko si Frances sa bahay ni Keisha dahil alam kong magagalit sa kanya yung Mom niya.

“Cly—omg, what happened to Frances?” sabi ni Keisha paglabas niya ng gate. Sinilip niya si Frances at nilagay yung palad niya sa noo nito na parang tinitignan kung may sakit ‘to

“Naglasing siya”

“Oo nga. Buti na lang nasend ko kaagad sayo, baka may mangyari pang masama sa kanya kung di ko nasabi yun kaagad”

Pinasok na namin si Frances, buti na lang at nasa business trip ang parents ni Keisha. Nilapag naming si Frances sa sofa at nahiga siya dun.

“She’s totally a different person now” sabi ni Keisha habang pinagmamasdan yung mukha ni Frances. Nakita ko din na naluluha na si Keisha.

“Siya yung tipo ng babae na halos ayaw ng  umiinom, pero siya na mismo ang gumagawa ngayon” humagulgol na ng iyak si Keisha

“I want the old Frances back. Galit ako kay Neo at Yani dahil sa panloloko nila kay Frances. Galit din ako kay Zeke, pero nakikita kong nagkicare siya kay Frances”

Napatahimik kami sandal, biglang tumunog yung phone ko. Si Zeke.

“Asan si Frances?” rinig ko sa boses niya yung pag aalala

“Nasa bahay ni Keisha” agad binaba ko na yung phone. Ilang minuto lang dumating na si Zeke, nakita ko sa mukha niya yung pag aalala.

“Kamusta siya?” sabi ni Zeke pagdating niya ng bahay ni Keisha. Agad siyang pumasok at hinanap si Frances. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ni Frances.

“Sorry. Di kita nabantay” mahinang bulong niya. Tahimik ang lahat, hinihintay na magising si Frances. Lahat kami nakatingin lang kay Frances.

“Hmmm” umungol si Frances at sunod nun ang paggising niya. Tinignan niya lang kami tapos tumayo siya.

“C-clyde” sabi ni Frances at niyakap ako. Narinig kong umiiyak siya, bakit?

“Galit ka ba? Di mo kasi ako pinapansin kanina tapos parang iniiwasan mo pa ako” sabi ni Frances. Ramdam ko sa boses niya yung pain.

Agad kong inalis yung yakap ni Frances at tinignan siya.

“Di ako galit sayo. Umiiwas lang ako, natatakot ako kasi baka masaktan din kita”

“Pero nasasaktan mo na ako” mahinang bulong niya. Kumirot yung puso ko sa sinabi niya, agad ko siyang hinawakan sa kamay at hinatak sa may garden. Mas mabuting kaming dalawa lang ang mag usap.

“Frances. Ayokong saktan ka, pero ako yung nasasaktan”

“B-bakit?”

“Mahal kita, mahal mo naman si Neo. Paano ako Frances? Nasasaktan ako. Alam kong lahat ng ginagawa mo para sa akin ay para masaktan si Neo”

“C-clyde hin—“

“Frances. Gusto kitang ipagtanggol pero mismong ako. Di ko mapagtanggol ang sarili ko”

“Clyde lis—“

“Mahal kita Frances pero lagi mo akong sinasaktan!”

“CAN YOU PLEASE STOP TALKING?! CLYDE! I LOVE YOU TOO! Mahal din kita. And I don’t know why! I just love you Clyde. Please, don’t leave me” humagulgol ng iyak si Frances. I was shocked. I don’t know what to say.

Niyakap ko si Frances, niyakap niya din ako.

“Clyde. Nasaktan ako kanina dahil iniwan mo ako. Kala ko kasi ikaw yung superhero ko, pero Clyde. Di ko alam, mamamatay ako kapag iniwan mo ako. Please, live with me. Kahit sa huling hininga ko”

“Hu-huling hininga?” napabitaw ako ng yakap kay Frances nung may nagsalita. Napalingon kami sa gate at nakita naming si Neo.

“Kanina ka pa?” tanong ko

“Narinig ko ang lahat” sabi niya. Nakita ko yung pain sa mata ni Neo.

“Ah. Okay lang, wala ka namang pakielam”

“Frances. Anong huling hininga?” nakita kong nag iba yung itsura ni Frances pero nagsalita siya.

“W-we will stay forever. Me and Clyde, until our last breath at wala kang pakielam dun”

 

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon