Chapter 83 *Pushing Everyone Away*

5.5K 108 72
                                    

FRANCES’ POV

Nagising ako habang nakaupo si Kuya sa tabi ko. Umiiyak, agad niyang pinunasan yung luha niya at ngumiti.

"Frances. Sorry…." biglang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"For what? You dont have to say sorry Kuya.." sabi ko. Umalis siya sa yakap at hinawakan yung kamay ko.

"Frances. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi hindi kita naalagaan pero wag kang mag alala, gagaling ka at hinding hindi ka nila maihihiwalay sa akin. Frances, be strong okay? Natatakot kasi ako kapag nawala ka. Minsan naiisip ko na kapag isang araw bigla ka na lang mawala, hindi ko maisip kung anong mangyayari sa amin..Mawawalan ako ng isang mabait na kapatid, bestfriend at kung ano pa. Frances, wag kang matatakot lumaban ha.. Andito yung kuya mo. Lagi kitang babantayan" sabi ni Kuya. Hindi na din matigil sa pagtulo yung luha ko.

 “Kapag wala na ako, andyan naman si Franches—“

"Ayokong pinagpipilitan mo ako kay Francheska! You and Francheska are completely different person! Hindi mapapantayan ni Francheska yung mga ginawa mo! Hindi kami magkadugo ni Francheska. At Frances, ito lang ang sasabihin ko. Hindi mo ako mapapalayo sayo. Ikaw yung taong nagtiwala nung niloloko ka namin. At ako ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay mo kaya hanggang sa dulo hinding hindi ako aalis sa tabi mo”

“Pero mamamatay din ako! Mawawala ako sa mundo at ang matitira na lang sa kapatid mo ay si Francheska”

"Frances. Alam kong pilit mo kaming pinapalayo sayo, dahil ba alam mong mawawala ka? At masasaktan kami?! FRANCES! Sa ginagawa mo mas lalo mo pa kaming sinasaktan! Kami lumalaban pero ikaw? Nawawalan ka na ng pag asa. Maraming doctor ang nagsasabing wala ng pag asa yung mga taong may sakit pero anong nangyayari sa iba? Gumagaling din sila. Frances, be brave. Hindi lahat ng sabihin ng doctor ay totoo!"

"Mahirap umasa, minsan nabibigo ka lang." sabi ko

“If that’s what you want, hindi kita pipigilan pero ako ang gagawa ng paran para gumaling ka” sabi ni Kuya at nagwalk out.

Naiwan akong tulala habang umiiyak. Agad namang pumasok si Neo at dalidali akong niyakap.

“Frances. Magiging okay ka din. Gagaling ka” sabi niya habang pinapatahan ako. Dala niya yung bag ko na naiwan ko kahapon. Naalala ko yung bracelet na sinuli ni Yani. Kinuha ko yung bag.

"I have something for you" sabi ko at inilabas ko yung bracelet na dapat kong ibibigay sa kanya dati. Kinuha ko yung kamay niya at sinuot ito sa kanya.

"Ibibigay ko sana sayo ito dati. Nung nagsisimula pa lang tayong magkakilala. Naalala mo pa nung nakita kitang dumaan sa harap ng bahay namin tapos sabi mo may problema ka? Yung naospital yung Mom mo? Ang tagal na nun no at naalala mo pa na sabi mo na di mo ako magugustuhan nun? Sana nga naging ganun na lang. Neo, why dont you find other girl? Yung girl na makakasama mo habang buhay. Yung babaeng hindi ka iiwan. At yung babaeng mamahalin ka gaya ng pagmamahal mo sa kanya." sabi ko habang tumutulo yung luha ko

"I found her." sabi ni Neo at unti unting nilapat ang labi niya sa labi ko

Agad ko siyang niyakap at dun umiyak. Hindi ko alam pero ang bigat ng nararamdaman ko. Ayoko silang iwan, ayoko silang layuan.  At ayokong malungkot sila kapag nawala ako. Kaya nakapagdecide na ako, im willing to sacrifice everything for them to be happy.

Nagsmile ako kay Neo habang nakatingin sa mga mata niya.

"Lets have a date tomorrow. Tatawagan na lang kita kung anong oras at saan. Promise me, be there" sabi ko. Naging maayos ang sumunod na oras. Agad akong dinischarged ni Kuya kinagabihan. Ayoko sa ospital, hindi naman naaalis yung sakit na nararamdaman ko.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon