YANI’S POV
Dali-dali akong umuwi sa Pilipinas sa hiling ni Frances kahit labag sa kalooban ko. Natatakot ako, na hindi ko na siya makasama kaya mas mabuting sigurado.
Pagkadating ko sa Pilipinas ay agad nag aya si Frances na umalis kami kasama si Keisha. Habang nasa mall kami na nag iikot ikot ay nakita ko yung saya sa mukha niya pero iba yung sinasabi nang mga mata niya.
Nagsimula kaming mamasyal. Una nagphotobooth kami, pero iba ang nararamdaman ko. Pilit akong tinutulak ni Frances kay Keisha.
“You two should go together! Paano kapag wala ako? Tss” sabi niya at tumalikod. Nakita kong pinunasan niya yung mata niya.
Agad naman kaming pumasok sa isang couple shop, nilapitan ni Frances yung shirt na may nakalagay na bestfriend at binili. Kala ko para sa kanya yung isa pero binigay niya yun sa akin. Nakita kong kumunot ang noo ni Keisha at hinatak palabas nang shop si Frances.
They both need to talk.
KEISHA’S POV
Hinatak ko si Frances sa labas nang shop dahil sa kabaliwang ginagawa niya.
"Mwoga munje ya?!" (Whats your Problem?!) galit na sabi ko habang nakatingin sa kanya. Napayuko naman siya.
"Nothing.." sagot niya at umiwas ng tingin dahil naiinis na talaga ako ay hinawakan ko siya sa braso.
"Frances! Whats your problem?! iniiwasan mo ba ako?! You're acting strange! Bakit pinagpipilitan mo ako kay Yani! FRANCES.. Ikaw ang bestfriend ko! IKAW lang" sigaw ko. Nakita kong umiyak na siya.
"Mianhae.." (sorry) sabi niya
"Explain.." bulong ko
"Keisha.. Natatakot kasi ako na kapag nawala ako ay malungkot ka. Wala na yung Frances na bestfriend mo kaya pinipilit kong magustuhan mo si Yani para maging bestfriends kayo. Keisha. Sorry" sabi ni Frances habang hindi mapigilan ang luha sa mata niya.
Tumulo na din yung luha ko sa narinig kong explanation niya. Ibang klaseng baba talaga siya, pinipili niya ang kapakanan nang iba kaysa sa sarili niya.
"Kahit sampong paligo pa ang gawin ni Yani ay hinding hindi siya magiging si Frances na bestfriend ko! Frances, kahit mawala ka o lumayo ka sa amin. Lagi mong tatandaan na may Keisha na laging hahabol sayo para sabihing bestfriends tayo! Tapos tinataboy mo lang ako?! Frances naman. Bestfriend na kita simula nung bata tayo, halos magkapatid na ang turingan natin! Ngayon ka pa ba susuko?! Ha?! Ang hina mo naman!" sabi ko tapos bigla ko siyang niyakap
"Im sorry.. Im really sorry" sabi niya tapos niyakap ko siya ng mahigpit.
"Frances.. I think, this is yours." biglang sumulpot si Yani tapos inabot niya yung bracelet na hawak niya kay Frances. Nakangiti pa din si Yani, alam ko namang nagsisisi siya, nasaktan din siya. Wala siyang kasalanan.
Mukhang nagulat si Frances, siguro yun yung bracelet na nawala. Yung bracelet na dapat ibibigay niya kay Neo nung birthday nito.
"Where did you get this?" tanong ni Frances
"Nakita ko sa bahay namin. Hindi ko din alam kung paano napunta yan dun. Frances, Neo loves you so much. Masaya ako na pinatawad mo siya. Lumaban ka, kasi madaming nagmamahal sayo" sabi ni Yani
Umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay andun si Neo. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit, ganun din ako.
“Gusto mo bang lumabas tayo bukas? Nood sana tayo nang sine” sabi ni Neo. Naupo kami sa sala, wala namang tao kaya kaming dalawa lang ang nandito.
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Teen FictionNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?