Kabanata 2

5.7K 133 4
                                    

Isang linggo na nagdaan at ngayun na ang result sa scholarship examination sa CIT. Hindi naman ako kinakabahan. Pag bagsak ede sa ibang paaralan nalang mag enroll pero late na halos lahat ng paaralan hindi kana pwede makakapag-enroll ng scholarship.


And its been a week since that 'bet' thing happened. Hindi ko alam kung ano ang pumasok nung ulirat ni laurence.


Yes, I called that weird guy, Laurence. 


Nalaman ko kasi iyung ngalan niya kay ate. Sobrang tili niya kasi nung nakarating kami sa bahay noon. Saksi ba naman sa pangayayre tungkol sa 'bet' na sinasabi ni laurence. She was idolizing laurence but she turn off sometimes. Narinig ko kay ate na pa iba iba daw babae nung lalaki. 


He is like his friend, Jake.


He is like him.


Mga baliw.


Sinong matinong lalaki na pupusta sa ganoong halaga para sa atensyon ko?


"Zen! Hindi ka na naman sasama sa akin sa CIT?" 


Napaigtad naman ako bigla nung nagsalita si ate sa likod ko. Nasa kwarto kasi ako ngayun. Nakaupo sa maliit na study table namin ni ate habang may binabasa. Yung kwarto namin hindi masyadong maliit o malaki. Sakto lang sa amin ni ate. May isang hindi medyu malakihang cabinet at double deck na pinaghihirapan ni papa. Pati naring yung study table na gawa niya.


 Kanina nasa labas lang siya nag uusap sila mama. Andami kasing kwento ni ate zeya parang araw araw na ata siyang may chika. Hindi na talaga na ubosan ng mga kwento. 


Sa amin ni ate, mas siya yung gumagamit sa study table keysa sa akin. Hindi ko naman hilig naa. Minsan lang ako gumamit dahil lagi lang akong nasa katre, humihiga lang. Si ate sa taas, ako naman sa baba.


Masama ko naman tinignan si ate habang nakataas ang isang kilay niya sa akin. Alam niya talaga paano ako asarin.


"Hindi." Tipid na sagot ko.


Binalik ko ulit ang atensyon ko sa binabasa.


"Hindi na naman? Isang linggo na yan ah. Miss kana ni Jake. Lage ka niyang hinahanap sa akin.  Ayaw mo ba Yun bigyan ng chance? Eh mukha namang mabait yun." 


"Mukha lang mabait pero ugali hindi." 


"Harsh mo naman lil sis, hindi mo naman sila masyadong kilala kaya ka ganyan  makajudge." Saad Niya."Atleast pogi ex mo kung maging kayo man diba? Mukha namang aalagaan ka dun eh." 


"Ayaw ko magkajowa, dagdag problema lang yan sa buhay." 


"Nako nako, Zendall. Wag mong tapusin yang sasabihin mo."


Bumaling naman ako ulit sa kanya. Napakunot naman ako sa noo dahil naguguluhan sa sinabi niya. 

Against My Will  (Naga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon