Kabanata 6

5.1K 105 8
                                        

"So?" I heard Adam say lazily from behind me. 


"So? Wala kang balak pumasok?"


Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanya.


"Wala."


Bored niyang sagot na ikinakunot-noo ko. Imbes na magtanong pa sana ako, hindi nalang. Buhay naman nila 'yon. Mukha namang mayayaman at walang pakialam kung bumagsak man. Siguro sanay silang makuha ang lahat ng gusto nila.


"Okay, whatever."


Nilampasan ko siya agad. Responsibilidad ko sanang pagsabihan sila, pero ang kausap ko ngayon—si Adam—na parang walang ibang alam kundi manggulo at lumandi, siguradong mauubos lang ang pasensya ko.


Habang naglalakad ako sa hallway, muli niyang tinawag ang pangalan ko.


"Doll."


Hindi ako lumingon.


"What about hanging out with me?"


Napahinto ako saglit bago napailing. Ang lakas talaga ng confidence ng lalaking 'to. Pangatlong beses pa lang kaming nagkikita, pero kung paano umasta, parang matagal na niya akong kilala.


Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng middle finger bago muling naglakad.Narinig ko ang mababa niyang tawa sa likod ko. Siraulo.


Pagkatapos ng task ko sa department, naghanap ako ng tahimik na lugar para makapagpahinga. May maliit na mesa sa gilid ng building, dalawang upuan lang ang naroon at halos walang dumadaan. Perfect.


Nilapag ko ang listahan at ballpen sa mesa bago inilabas ang cellphone ko. Tahimik ang paligid. Presko ang hangin. Walang maingay na estudyante. Pakiramdam ko tuloy nasa ibang mundo ako habang nagbabasa.


"Nandito ka lang pala."


Napatalon ako sa gulat. Napatingin ako kay Adam nang masama habang siya naman ay bahagyang natatawa, halatang aliw na aliw sa reaksyon ko.


Nakakainis. At mas nakakainis dahil gwapo siya habang nakangisi.


"Anong ginagawa mo rito, Mr. Hart?" kunwari kong tanong. 


Pilit kong pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko. Parang pag-aari niya ang espasyo.


"Wanna bet?" tanong niya habang diretso ang tingin sa akin.


"Get lost."


Ngumisi lang siya lalo. Lahat nalang atang bagay sa kanya nadaaan sa bet bet na yan. 


"I won't." Yumuko siya nang bahagya, sapat para mas luminaw ang amoy ng pabango niya. "Since I found my home."

Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon