Kabanata 29

2.9K 74 6
                                        

Nakatitig lamang kami sa isa't isa ni Adam hanggang sa biglang sumingit si Ms. Montemayor.


"It's getting hot in here. Aki, bigyan mo kami ng malamig na tubig ngayon na!" utos niya sa kaniyang sekretarya.


Naputol ang matagal naming titigan ni Adam. He stared at me intently, and was that... longing? I silently scoffed at the thought. I don't care. I shouldn't care about him anymore.


"Anyway, Architect Evansville," basag ni Ms. Montemayor sa katahimikan. "Sabay na lang kayong gumawa ng panibagong design concept ni Architect Quentez."


Tahimik namang bumalik si Zeya sa kaniyang upuan habang nakayuko. Halatang hindi pa rin siya nakakabawi sa nangyari.


"Now, for Miss Zendall's design. Let us hear what she has prepared for us."


Sinamantala ko ang pagkakataon at naglakad papunta sa harapan gamit ang aking killer high heels. I kept my chin high, projecting confidence and authority. Tumayo ako sa unahan nang buong kumpiyansa at may kapangyarihang umaapaw sa aking tindig. Lahat ng mata ay nakatuon sa akin.


Ang dala ko lamang ay ang remote ng aking laptop na nakakonekta sa projector.


I began discussing both the interior and exterior concepts of the project. I thoroughly explained every detail of the structure and how it could significantly attract tourists and investors alike. The design was a perfect blend of timeless classic elegance and modern sophistication.


Nang matapos ako sa aking presentasyon, agad namang umalingawngaw ang palakpakan sa buong conference room.


Bumalik ako sa aking upuan at sinulyapan ang mga engineer habang napansin kong napakamot sila sa kani-kanilang batok.


I know it would be difficult for them to calculate and measure everything, considering how massive the entire area was. Kaya naman naghanda na rin ako ng sarili kong blueprint para mapadali ang kanilang trabaho.


"Wow! Ang ganda ng designs! I like it! Very unique!" manghang komento ni Ms. Montemayor.


Sunod-sunod na tumango ang mga naroroon. I even noticed Monday, Zeya, and Learsi staring at the projector with obvious fascination. Ilan pa sa kanila ang nagbigay ng papuri, lalo na si Servin na mukhang sobrang proud sa akin.


Ngunit biglang natahimik ang buong silid nang magsalita si Adam.


"Ito na naman..." Mahina kong narinig ang bulong ng isang tao sa aking kaliwa.


"Can I ask something, Architect Zendall?"


Iniangat ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa akin. Instead, his eyes were fixed on my portfolio. Hindi ako sumagot.


"Do you think the company's budget can actually afford all of this?"


Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon