"Pre, Ano problema niya? Kanina ang cold niya tapos ngayun ang sama ng tingin niya sa akin. Isang linggo ko na siyang namalayang nagtataray sa akin ah" Rinig kong bulong ni jake sa kaibigan niya.
Tinignan ko naman siya lalo ng masama dahilan sumuksok siya lalo sa gilid ng kaibigan niyang si emphraim. Matangkad pa si emphraim keysa sa kanya hanggang balikat lang ata siya. Naman kasi. Bakit kasi ang tangkad tangkad ni emphraim animoy kapre eh.
Umirap naman ako sa kanya. Ang sama sama ng loob ko ngayun. Wala man lang akong naggawang pigilan ang kaibigan kong mag aaway. Ang layo kasi ng isip ko. Tapos ang malala pa sa panget na jake pa ang dahilan ng pinag awayan nila.
Mag iisang linggo na simula nung nag aaway sina monday at lars. Ilang araw na rin na hindi nag papansinan ang dalawa. Pinansin naman nila ako kaso ako ang naiipit sa kanilang dalawa eh. Pag napaparinig si monday kay lars ay nagpaparinig rin si lars. Ewan ko sa kanila. Hindi ko sila naintindihan sa ngayun pero nasasaktan ako pag ganun ang trato nila sa isat isa.
Sinubukan ko nga silang pinagusapan kaso laging badtrip kasi lage akong tinatawag at minsan lang ako nasa klase kaya hindi ko masyadong alam anong nangyare sa dalawa pag wala ako. Nagbabangayan lage sila. Gusto kong iwasan na mag aaway sila ng pisikalan. Muntik na nga yun nung isang araw eh.
"Tignan mo na naman, Nagtataray." Rinig kong sabi na naman niya.
Napasalubong naman ako sa kilay at tinignan nalang si laurence na humahalikiphip.
"Ano na naman kailangan mo?" Inis na tanong ko.
Nag aaral kasi ako sa isang libro na subject namin ng biglang sumulpot ang isa at hinanap siya ng dalawa niyang kaibigan na siraulo. Oh kay aga ko kasi silang nakikita na nagtatambay na naman sa hallway. Panigurado na naman tong wag siyang ilista. Pareha nung nakaraang araw.
"Don't list me."
Sa totoo lang, Strikto ba talaga toh o sadyang may sayad siya sa utak?
"At bakit naman hindi?" Tanong ko sa kanya na nakasalubong ang kilay ko.
See? Tama nga ako.
"Uy, uy pati rin ako!" I heard jake.
Tinignan ko siya ng masama nung aakma siyang lalapit sa inupuan ko nung nakita niya ang titig ko ay bumalik sa pwesto niya na di naman kalayuan ng inuupuan namin ni Laurence.
"Nilista mo na ako kahapon, hindi muna ngayun." Laurence said.
Bumaling naman ako sa kanya at ang walang hiya ay sinandal niya ang ulo niya sa mesa kung saan ang libro ko ang ginawa niyang unan. Inayos ko naman ang salamin ko sabay irap sa kanya.
"No way, Rules is rules. Laurence, Saka tan-tanan niyo nga ako kayong ng mga kaibigan niyo. Nakakasira kayo ng buhay eh."
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
RomanceAs a bachelor of science in marine engineering student at CIT. Laurence Adam Hart is a popular boy, who makes girls faint in no time. Aside from being a senior college student and a leader. He can handle everything clearly, and he is strict and prof...