Kabanata 10

4.4K 100 0
                                        

 Habang naglalakad ako sa hallway ng Engineering Department, sunod-sunod ang pagbati ng mga estudyante sa akin. Halos hindi ko sila pinansin. Punong-puno ng ingay ang isip ko dahil sa mga mensahe ni Adam.


He must be kidding... right?


"Uy, narinig ko nakikipaghiwalay na naman si Adam sa bago niyang jowa." Mahinang bulong ng isa sa tatlong babaeng nadaanan ko.


"Ah, ano pa bang bago? Palaging iba-iba naman ang kasama no'n."


"Sandali... jowa niya ba talaga 'yon? Hindi ba kaibigan lang?"


"Paano mo nalaman?"


"Kay Montenor ko narinig."


Bigla silang natigilan nang malampasan ko sila. Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat hakbang ko, pero hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. 


Sa di-kalayuan, nakita ko si Jay na nagmamadaling papunta sa direksyon ko. Habol niya ang hininga nang huminto siya sa harap ko. Tahimik ko lang siyang tiningnan.


"Nandito ka lang pala. Hindi ka na tumatambay doon sa usual mong spot?" tanong niya habang inaayos ang paghinga.


"Hindi." Maikli kong sagot. "May kailangan ka?"


Ngumiti siya nang matamis—yung tipong halatang may binabalak.


"Wala naman. Narinig ko lang na attorney daw ang tipo mo. Totoo ba 'yon?"


Napabuntong-hininga ako. Kahit anong deny ko, wala ring mangyayari. Pipilitin pa rin nila ang gusto nilang paniwalaan. Kagabi nga, sina Monday at Learsi pa mismo ang bumungad sa akin na may malalapad na ngisi at handang almusal.


Bigla silang naging mabait kahit alam kong sila rin ang dahilan kung bakit magulo ang lahat. Pero hinayaan ko na lang. Wala naman akong pakialam.


Kumalat na sa buong university ang post ni Monday. Halos lahat yata ng estudyante rito, kaibigan niya sa Facebook. Ako? Napilitan akong i-delete ang account ko dahil kada segundo ay may sumasabog na notifications sa cellphone ko. Nakakairita. Sino bang matutuwa roon?


"So, totoo nga?" pang-aasar ni Jay. "Ikuwento mo naman kung sino 'yang attorney na 'yan. Malay mo, kakilala ko."


Nanliliit ang mata ko at hindi na siya sinagot. Binalewala ko nalang lang ang pagngisi na tila ba'y close kaming dalawa. 


Tiningnan ko ang relo ko at napakunot-noo bago muling tumingin sa kanya. Malapit na ang klase nila. Bakit nandito pa siya? May training sila ngayon, ah. Mukhang napansin niyang sumulyap ako sa oras.


"Wala kaming prof," sabi niya habang nagkikibit-balikat. "At sabi rin walang magha-handle sa amin. Kaya okay lang kahit ilista mo ako bilang absent. Gusto lang talaga kitang makausap... tungkol doon sa attorney."

Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon