Kinabukasan ay hinatid ako ni Deon sa bahay ni Ate Zeya at kinuha namin si Deon para ipasyal. Nagpaalam din si Adam sa akin; may gagawin daw siya. Wala siyang sinabi sa akin kung ano iyon. Yesterday was amazing. Nakatulog ako sa office niya at umuwi sa condo niya.
"Tita ganda!" It was Deon's voice.
"Hi, Deon. Saan mommy mo?" tanong ko sa kanya.
Nasa plaza kami ngayon, yung plaza kung saan sila Deon at Adrian naglalaro. I still cherish my memories with Adrian the most.
I miss him calling me Ate Mommy.
"Hindi po ako sure. Sabi po kasi ni Mommy, Surprise daw." Napakunot ang noo ko sa sinabi ng bata.
Napatingin naman ako sa caretaker ni Deon. She smiled at me nervously. Gusto ko sana magtanong, pero para siyang kinakabahan na kausapin ako. Maldita pa rin ba akong tingnan?
"Anong surprise?" tanong ko na lang kay Deon.
"Hindi ko po narinig, eh."
Bumuntong-hininga na lang ako. Napatingin ako kay Atlas na naglalaro lang ng toys sa tabi. Hapon na kami rito. Ewan ko kung bakit kami pinapunta dito. Pati yung anak ni Monday nandito, at yung bunsong anak ni Ate. Yung mga caretaker nandito rin.
Tinawagan kasi nila ako para bantayan ang mga bata kasi may gagawin daw sila. Hindi ko alam kung bakit sabay-sabay silang nagiging busy.
I looked at Zaimane, the youngest child of Ate Zeya. Ang ganda niya, pero parang pikonin at makulit ang batang ito. Halata ko kasi pilit niyang inaabot ang isang damo gamit ang maliliit niyang kamay. Nang hindi niya maabot, nagsimula na siyang umiyak. Naku, saan naman niya nakuha 'yon?
Ako na ang nagpapatahan kay Zaimane, baka pati si Atlas. Trip pa naman ng batang 'yon; umiyak nang walang dahilan.
Buti pa yung anak nila. Monday na si Mairy. Tahimik lang sa gilid.
Hawak ko si Zaimane. Natatawa ako habang tinitingnan ko ang mga bata sa harap ko na naglalaro. I found it peaceful. Kung nandito pa si Adrian, kompleto kami rito. Natatawa akong isipin iyon, pero ramdam ko na parang nandito lang siya lagi sa tabi ko, kasama sina Mama at Papa.
Gumagabi na pero nagtataka pa rin ako dahil wala pa yung mga magulang nila. Parehong tulog na si Mai at Atlas. Si Deon at si Zaimane naman ay inaantok na rin at hinahanap si Ate Zeya.
"Miss," tawag ko sa isang caretaker. Bumaling siya sa akin bago ngumiti.
"Po?"
"Wala pa rin ba sila Ate Zeya?" tanong ko sa kanya. Umiling siya bilang sagot.
Sinabihan ko na lang siya na magliligpit na kami at uuwi na. Nauna nang sumakay ang mga bata sa sasakyan. Nang makarating kami sa bahay ni Ate Zeya, tahimik doon at madilim, na lalo kong ikinataka.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Misterio / SuspensoLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
