Kabanata 37

3.4K 68 5
                                        

Warning: Attempting Suicide

Nakatulala lamang ako habang mabagal na naglalakad pababa mula sa yacht. Napapalibutan ako ng mga pulis, ngunit wala na sina Gazvin at ang kanyang mga tauhan. Nauna na silang umalis kasama si Agus.


Adam was still here. Beside me, ayaw akong iwan.

I was still stained with Adrian's blood. Dugo niya ang nakadikit sa mga kamay ko. Dugo niya ang nasa damit ko at kahit ilang beses ko itong tiningnan, hindi ko matanggap na totoo ang lahat.


"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong ng isang paramedic. "May masakit po ba sa inyo?"


Mabagal lamang akong umiling. Wala akong lakas para magsalita. Wala rin akong gana. Patuloy lang akong nakatulala.


"Ako na." Mahinang sabi ni Adam sa gilid ko 


Kinuha ang first aid kit mula sa paramedic. Hinayaan ko siyang gawin ang paggamot niya sa akin. Wala ako sa tamang pag-iisip para pansinin pa ang anumang ginagawa niya.


Napalingon ako sa gilid. Naroon si Adrian. Nakahandusay. Nakatakip ng puting tela. Matagal ko iyong tinitigan.


Umaasang gumalaw siya. Umaasang huminga siya. Umaasang may himala.


Ngunit lumipas ang ilang minuto at nanatili siyang walang galaw. Doon tuluyang bumuhos ang mga luha ko.


"Zendall.."Mahinang tawag sa akin ni Adam sa harap ko. "I am sorry... I am sorry for being late."


Narinig ko ang singhot niya. Nilingon ko siya. His eyes are bloodshot. Hinaplos niya ang luha ko. Hinayaan ko siya at tiningnan lang siya nang walang emosyon sa mukha. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagalit sa kanya.  May karapatan akong magalit sa kanya.


"Tell me where it hurts. Tell me. Talk to me." 


Hindi ko siya pinansin at tumayo ako, dahan-dahang lumapit kay Adrian.Randam ko ang pagsunod sa akin ni Adam mula sa likod. 


 Napansin kong lumabas ang isa niyang kamay mula sa pagkakatakip ng tela, kaya maingat ko itong inayos.


"Patawarin mo si Ate Mommy, Adrian... ha?"


Napaluhod ako sa tabi niya. Patuloy lamang akong umiiyak. It was a silent cry. Walang sigaw. Walang ingay. Tanging luha lamang na tuloy-tuloy na bumabagsak.


Nararamdaman ko ang init na haplos mula sa likod ko na ikaiyak ko lalo. Hindi ko alam kung bakit lalong bumigat ang naramdaman ko doon. Sa haplos na malambing at sa pusong wasak. 


"Kaano-ano ninyo po ang bata, Sir?" tanong ng isang pulis.


"Anak." Si Adam ang sumagot. 


Hindi ko man lang sila tiningnan. Nakatuon pa rin ang tingin ko kay Adrian.

Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon