Warning: Death
Nakarating ako sa Asting's Bar and Restaurant. Agad kong namataan sina Learsi at Monday. Nang iangat ni Monday ang kanyang tingin at makita ako, kaagad siyang kumaway,, dahilan upang mapatingin silang lahat sa direksyon ko.
Kompleto silang lahat ngayon. Kanina ay masaya silang nagkakatuwaan at nagtatawanan, ngunit tila biglang naglaho ang masayang atmospera nang dumating ako.
Agad kong hinanap si Adrian. Nakita ko siyang masayang naglalaro sa isang sofa, kaya hindi ko napigilang huminga nang maluwag.
Parang biglang nawala ang kabang kanina pa bumabalot sa dibdib ko.Parang nawala rin ang lahat ng pagod na nararamdaman ko.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanilang mesa, ngunit may isang lalaking humarang sa daraanan ko. Kumindat pa ito na para bang sinusubukang magpatawa o magpapansin. Napailing na lamang ako at dire-diretso siyang nilagpasan.
"Finally! We're complete!" masayang sabi ni Monday.
Umupo ako sa tabi niya. Naroon din si Adam, at magkatabi sila ni Leona. Mukhang wala talagang balak ang dalawa na magkahiwalay man lang kahit sandali.
Napansin kong nakatitig sa akin si Zeya na para bang may gusto siyang sabihin. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na pagkabalisa. Para siyang hindi mapakali.
I wonder what she was thinking.
Muli kong sinuri ang paligid. Maraming tao sa loob ng establisimyento. Hindi ko alam kung maituturing ba itong isang party dahil halos lahat ng naroroon ay nakasuot ng itim.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Zeya. Nakatingin pa rin siya sa akin at ganoon pa rin ang kilos niya.
"Do you want to say something to me, Zeya? You look hesitant to talk to me." Sabi ko.
Biglang natahimik ang buong mesa. Nagulat si Zeya sa sinabi ko. Napalunok siya ng sariling laway at pilit na ngumiti. Hindi siya nagsalita at sa halip ay umiwas ng tingin sa akin.
"A-ah, Zen!" Napalingon ako kay Learsi.
This is the first time she has called me. Pakiramdam ko ay lahat ng tao sa mesa ay tila hindi komportable. Para bang may mabigat silang tinatagong sikreto sa akin.
"Hmmm? Ano 'yon?"
"K-kumain ka na?" kinakabahang tanong niya.
Napansin kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Jay.
"Hindi pa," sagot ko.
Tumango siya. Nakita ko rin kung paano ngumiti si Monday. Somehow, her eyes seemed to be telling me something.
"H-huh... o-order ka muna."
"Learsi, relax. Ako lang 'to."
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Misteri / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
