Kabanata 34

3K 66 5
                                        

Habol-hininga akong nagising dahil sa pakiramdam na parang may humahabol sa akin sa panaginip. Those nightmares again. Agad akong napatingin sa digital clock na nakapatong sa maliit na side table malapit sa kama. It's already 3 AM.  Four hours of sleep.


Bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil alam kong hindi na naman ako makakatulog ulit.


Dumeretso ako sa banyo. My forehead was sweating as usual. Ilang minuto rin akong nakatayo roon habang pinapakiramdaman at pinapakalmado ang sarili ko bago tuluyang maligo at magbihis.


Pagkatapos ay agad akong lumabas ng kwarto dala ang cellphone ko at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. In the middle of sipping my coffee, may tumawag sa akin.


"What?" bungad ko agad.


I already knew it was Gazvin.


"As expected, you're awake so very, very early in the morning even though it's Friday." Napabuntong-hininga siya nang hindi ako sumagot. "How are you?"


"The work is stable. The mission is still ongoing," sagot ko.


"I'm not asking about the company and the mission. I'm asking about your health."


"I'm still alive."


Narinig ko siyang nagmura bago ako pinagsabihan ng kung anu-ano. Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sinasabi niya dahil sabog pa rin ang isip ko sa kakagising. Hindi rin nagtagal ang tawag dahil nagpaalam agad siya. May gagawin pa raw sila. Kasama rin niya ang asawa niya nang tumawag siya sa akin.


Nakwento ko na rin sa kanila ang tungkol kay Adrian.


I also told them that the child would inherit my company here, The ZV Simole Company. May shares din siya sa magiging kumpanya ni Deon in the future. Ayaw kong magkaroon ng favoritism.


Pagkatapos ng tawag, lumapit ako sa malaking glass window. From here, I could see the entire city. Tahimik akong humihigop ng kape habang nakatanaw sa malayo.


Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kawalan. Nagising lang ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.


"Morning," bati ko kay Adrian.


Nakasuot pa rin siya ng pajama habang kinukusot ang mga mata niya. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid.


"Sabi na nga ba, hindi panaginip." Narinig ko ang mahina niyang bulong, dahilan para mapatawa ako nang bahagya. "Good morning, Ate Mommy!"


Masigla niya akong binati, bago mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako. Hanggang binti ko lamang ang taas niya. He's such a small and adorable little boy.


"Ate Mommy?" tanong ko.


Iba ang tawag niya sa akin noon.

Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon