Kabanata 5

5.1K 134 9
                                        

"Naniniwala na talaga ako sa kasabihang 'Ibang magalit ang tahimik.'" Natutuwang sabi ni Learsi na nasa tabi ko.


Nasa isang bench kami para gawin ang minor projects namin habang nag-uusap sila ni Monday at ako naman ay tahimik lang habang iniisip kung anong ihaharap ko sa mga kaklase dahil sa inasta ko kahapon.


"Shut it, Learsi. She's stating facts, though. By the way, salamat ulit, Zen," sabi ni Monday.


Ilang ulit na siyang nagpapasalamat sa akin. I lost my count. Tumango naman ako kay Monday na nasa tabi ko rin. Bale ako 'yung nasa gitna, kaya rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.


Papunta na kami sa next subject namin. Hindi naman kami dadaan sa engineering department, pero parang ang dami kong nakikitang engineering students.


Nagbuntong-hininga naman ako.


Ano kayang ipagmumukha ko sa katapangan ko kahapon? Bumabalik na naman sa akin 'yung mga alaala na ewan ko na lang.


"Hi, Monday!" bati ni Jay nang makasalubong namin siya sa gate.


Mukhang papaalis na ata siya.


"Sup," walang ganang bati ni Monday sa kanya.


Ngumiwi naman si Jay, pagkatapos ay binalingan ako ng ngiti sa labi.


"Saan kayo pupunta?"


Nag-scoff si Learsi sa tabi ko. Parang sarkastiko siyang natatawa sa tanong ni Jay.


"Next subject."


"Eh, saan kayo galing?"


Hindi ko naman napigilang mapakunot ang noo. Bakit kung makatanong siya, parang ang weird niya? Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko rin ang pagtataka nina Monday at Learsi.


"Eh bakit?" mataray na sabi ni Learsi habang naka-cross arms.


Napakamot naman si Jay sa batok habang may binubulong na mura, dahilan para magsalubong ang dalawa kong kilay.


Minumura niya ba ako?


"Ah, curious lang." Umiwas naman siya ng tingin sa akin. "Tangina, para sa pera..." mahinang bulong niya na hindi ko alam kung narinig rin nina Monday iyon.


"Curious? O sige, ikaw? Bakit ka nandito?"


Marahas naman akong napatingin kay Learsi dahil sa tinanong niya. Diretso lang siyang nakatingin kay Jay na ngayo'y parang nalaglag ang panga.


What?


"Inaantay ko lang talaga ang mga kaibigan ko. Ang tagal-tagal kasi nila, kaya mabuti namang nakita ko kayo. Kailan ba mag-start ang class niyo?"


"Ah, okay. Sige, una na kami."


Aakma sana kaming aalis dahil hinila ako ni Learsi, kaya hinila ko rin si Monday nang pigilan kami ni Jay.


"T-Teka."


"Oh? Bakit?" tanong ni Learsi.


"Kailan ba mag-start ang klase niyo?"


"Ngayu—"


Pinigilan ni Monday si Learsi sa pagsagot, dahilan para magtaka ako sa kanilang dalawa.


"Ah, may thirty minutes pa naman kami."


Kumunot naman ang noo ko, pero binigyan ako ni Monday ng tingin na hindi ko maintindihan, kaya tumango na lang ako. Hindi ko alam kung anong binabalak niya, pero sana naman maganda 'yung binabalak niya.


Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon