Adam and I never crossed paths again. Para bang matapos ang huling araw ko sa department nila, tuluyan na ring naputol ang anumang koneksyon namin. The last time I saw him was during my final visit there—one last glimpse before everything faded into silence. I never attempted to visit him again, nor did I ever force myself to see him.
A part of me desperately longed for his presence... but another part of me feared it just as much.
Mind versus heart, I guess.
Ito talaga ang pinakamahirap kapag naiipit ka sa pagitan ng emosyon at katwiran—kung sino ba talaga ang dapat paniwalaan. Ang puso ba? O ang isip? Dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tama ang puso. Minsan, kapag lagi mo itong sinusunod, wala kang ibang kahihinatnan kundi ang magmukhang tanga sa sarili mong desisyon.
Always following our hearts can blind us completely—so much that we lose the strength to rise after every fall. We let our emotions sabotage our minds, choosing feelings over reason, until all that remains is ruin.
"Simula noong hindi ka na nagbabantay sa engineering department, parang nawalan ka na ng buhay ah. Hindi ko na rin kayo nakikitang magkasama ni Adam. May problema ba kayo?" tanong sa akin ni Learsi.
Nasa sala kami ng condo ko noon, parehong abala sa paggawa ng plates. Hindi man lang siya lumingon habang nagtatanong, sobrang focused sa ginagawa niya. Napatingin ako sa kanya, at marahil naramdaman niya iyon dahil agad din siyang napabaling sa akin. Umiling lang ako bago muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"What's wrong?" tanong ni Monday.
"Wala." Maikli at malamig kong sagot.
Maya-maya, nakarinig ako ng mga yabag na papalapit. Napaangat ako ng tingin at nakita kong lumapit silang dalawa sa akin, parehong puno ng kuryosidad ang mga mata.
"Grabe... bumalik si Zen sa dati niyang version. Confirmed. May problema talaga sila," saad ni Learsi habang nakahalukipkip.
"Wala nga."
"That's odd. You're not usually like this," dagdag ni Monday.
"Uh-uh, ganyan talaga 'yan dati. Tahimik lang. Meet the old her, Monday," nakangising sabi ni Learsi, dahilan para irapan lang siya ni Monday.
"Whatever, Learsi."
"Seriously, walang problema sa amin ni Adam."
"Weh? Talaga? Eh, bakit hindi na kayo nag-uusap?"
"Hindi ko naman siya nakita. Ano'ng gusto mo? Habulin ko siya para lang magkausap kami?" sarkastiko kong sagot.
"Sabi ko nga walang problema."
Suminghal si Monday at umiling bago binalingan si Learsi. "Ano? Ano?" hamon naman ni Learsi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystère / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
