Nag-aantay ako sa isang coffee shop para sunduin ni Jay ang mga bata. Mukha na kasing pagod silang dalawa, lalo na si Atlas na ang bilis na nakatulog sa bisig ko. Buti na lang at hindi sila pawisan.
Nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko, sobrang sarap ng tulog, habang si Deon naman ay nakahilig sa braso ko at inaantok na rin.
Gumagabi na, at ramdam ko na rin ang pagod ko sa katawan. Nasama rin kasi ako sa kulitan at laro ng dalawa nang hindi ko namamalayan ang oras.
Napatingin ako sa relo ko sabay hikab. Mag-aalas-siyete pa lang pero inaantok na ako. Pinakain ko na rin sila bago sila nakatulog dito sa coffee shop. Mabait naman ang may-ari.
Nag-order din ako ng kape at tinapay na kakainin ko mamaya pag-uwi. I want to cook for dinner, but since I know I'm so tired, I'll just buy something light so I can sleep right after my night routine.
Ilang minuto akong naghintay nang biglang may tumawag sa akin. It was Jay. Nang nakita ko siya, may kasama pa pala siya.
It's Kuya Darwin.
Hindi ko siya agad napansin. Medyo nagulat lang ako sa itsura niya. May mga bagets na siya at mukhang mas matured na ngayon. The last time I saw him, he looked younger. He's still handsome. No wonder why Ate Zeya fell for him. He was wearing a suit, mukhang kakagaling lang sa trabaho.
"Good evening," magalang na bati ni Kuya Darwin. "It's nice to see you again, Zendall."
"It's nice to see you again, Kuya Darwin," I smiled. Medyo nagulat siya. Nakita iyon ni Jay at agad siyang siniko.
"Uhm..." tumikhim siya. "I'm sorry about what happened—"
"It's okay. Now, can you two help me?" seninyasan ko sila sa mga bata.
Unang kinuha ni Kuya Darwin si Deon. Tumayo ako para iaabot si Atlas kay Jay. Humarap si Jay sa akin, mukhang apologetic.
"Pasensya ka na, Zendall."
"No, no. It's okay. Besides, I had fun."
Dahan-dahan niyang kinuha si Atlas mula sa pagkakayakap sa bisig ko, pero humigpit pa lalo ang yakap ng bata, kaya pareho kaming natigilan ni Jay. Mukhang nahiya siya kaya pilit siyang ngumiti at sinubukang kunin ulit ang bata.
"Tangina—" bulalas niya, na ikinatingin ko sa kanya nang masama. Ang lutong ng mura niya. "Joke."
"What happened to your son, Jay?" tanong ni Kuya Darwin.
"Malay ko ba sa batang 'to, ayaw kumalas kay Zendall, pre," reklamo niya.
Kapwa kaming natawa ni Kuya Darwin.
"Ako na," sabi ko.
Dahan-dahan kong kinalas si Atlas mula sa akin. Nang magtagumpay, agad ko siyang ibinigay kay Jay. Napamulat si Atlas sa ginawa ko.
"Atla—"
"Shhh... matutulog ulit 'yan," I hummed a lullaby for him.
Ilang segundo lang, pumikit ulit si Atlas at niyakap ang leeg ng kanyang ama.
"Pwede na pala kayo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jay.
"Huh?"
"Huh? Ah, wala, wala," pa-joke niyang sabi. "Mauuna na talaga ako dahil papatayin ako ni misis pag nauna siyang umuwi tapos wala pa kami sa bahay."
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystery / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
