Kabanata 43

3.4K 63 2
                                        

Natapos ang pag-uusap namin ni Adam at hinatid niya ako sa condo kung saan muna ako pansamantalang tumutuloy. Hinintay niya muna akong makapasok bago siya umalis. Huminga ako nang malalim habang nakasandal sa pinto.


Hinawakan ko ang dibdib ko dahil naramdaman ko ang malakas na pagtambol ng puso ko. Hindi ko alam, ngunit mas lalo pang naghihilom ang puso ko matapos naming mag-usap ni Adam. He didn't make me feel awkward after talking.


After knowing his side of the story, I felt the little burden in my mind and heart completely lifted. Adam was driving me back to the place where I stayed for a while. Hindi ko pa alam kung ano ang plano namin. Mukhang masisira iyong plano kong umuwi sa Switzerland.


Panay ang lingon sa akin ni Adam, kaya hindi ko napigilang tanungin siya.


"Bakit?"


Sumulyap siya sa akin, na dahilan para magtama ang tingin namin. Nasa manibela ang mga kamay niya. 


"If it's okay, I am gonna ask you something."


"Ano 'yon?"


"What will you do after Leona's wedding?"


"Hindi ko pa alam. Titingnan ko pa kasi ang kumpanya. Speaking of her, how's she?"


"Hindi kami madalas magkita. I guess she's okay."


Tumango ako.


"Hindi ko alam. Siguro magpapatuloy ako sa trabahong naiwan ko dati," sagot ko sa tanong niya kanina.


Malapit na pala ang kasal nila. Napatigil ang sasakyan dahil naka-red ang signal. Mariin namang tumitig sa akin si Adam.


"A-ano?" 


"Your eyes. I love it."


"Bakit?"


"They're okay now. They look more beautiful than before."


"Thanks. Yours too."


He chuckled.


Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko at dahan-dahan niya itong inilapit sa mukha niya. Our foreheads pressed together. Ramdam ko ang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa batok ko nang maramdaman kong gumalaw ang kamay niya mula sa pisngi ko papunta sa batok.


"I am glad that you're okay," he whispered. "I thank God that you're okay."


Napangiti ako nang sabihin niya iyon. Kailan pa siya naging makadiyos?


"Since when did you become a man of God?" biro ko.

Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon