"Oh God."
Bumaling ako sa taong kakadating lang. It was Monday, who was holding a toddler in her arms. Lahat sila ay mukhang gulat maliban kay Adam na nakatitig ulit sa akin animo'y mawawala ako sa harap niya. Tumikhim si Zeya sa tabi ko at nilapitan sila.
Umiwas ako ng tingin sa kanila nang tumunog ang cellphone ko. I saw that my secretary was calling. Did I forget to tell her that I wanted a day off today?
Binalik ko ang tingin ko sa kanila. Adam was still glaring at me. Kinausap ni Zeya sina Monday at Learsi kaya hindi ito nakatingin sa akin. Magpapaalam sana ako para sagutin ang tawag. Ang bastos naman kung hindi.
Tiningnan ko si Adam at nilunok ang sariling laway. I was nervous, and my heart was beating too fast. Napansin ni Adam ang pagtingin ko sa kanya kaya agad kong itinuro ang phone ko.
"I'll just answer this call. Excuse me." Mahina man, pero rinig naman iyon.
Nakita ko siyang lumunok bago tumango at umiwas ng tingin sa akin. Umalis na ako at sinagot ang tawag.
"Ma'am, pasensya na po, pero may naghahanap po sa inyo rito. Emergency daw po," sabi ng secretary ko.
"Kilala mo ba kung sino?"
"Dating CEO po ng kompanya, Ma'am. May sasabihin daw po siyang importante sa inyo."
"Right now?"
"Opo, Ma'am. Nangungulit po siya na tawagan kayo. Sinabi ko pong may importante kayong nilalakad, pero nagpupumilit po siya."
Nagbuntong-hininga ako.
"Okay, I'll meet him. Tell him to wait. I'll be right there."
Nagpaalam ako bago pinutol ang tawag. Bumalik agad ako sa kusina. Nakarinig ako ng isang boses na parang nag-aalala ang tono.
"Ano ang gagawin mo ngayon, Adam? Bumalik na siya. Pikutin mo. Itali mo...."
Biglang tumahimik ang paligid. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nakita kong nakatingin silang lahat kay Adam, dahilan para mapatingin din ako sa kanya. Nakayuko ito at nakatukod ang kamay sa baba niya na parang malalim ang iniisip.
Napatingin ako sa mga labi niyang namumula at napakagat sa sarili kong labi. Lumunok naman ako nang igiya ko ang mata ko sa mga kamay niyang maugat na tila sanay magbuhat ng mabibigat na gamit.
Sinuri ko rin ang buong katawan ni Adam. Biglang nagmacho ang katawan niya. Siguro kapag hinawakan ko ang braso niya ay...
Tumikhim naman ako dahil sa mga iniisip ko, dahilan para sabay-sabay silang mapatingin sa akin.
"Zen," tawag ni Ate Zeya.
"Ma..." Bahagyang natigil ang boses ko nang mag-angat ng tingin si Adam. "Mauna na ako."
Nagtatakang tumingin sa akin si Ate Zeya.
"Ganun ba? Ang bilis naman."
"May kailangan kasi akong puntahan," sabi ko. "Pasensya na. Babawi na lang ako sa inyo."
"Oh, sige. Mukhang busy ka ngayon. Ihahatid ka na lang namin sa labas."
"Sama ako." Ani Learsi.
Umiling ako.
"Ayos lang ako. Sa katunayan nga, naistorbo ko pa kayo—"
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystery / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
