"Ano ba 'yan! Ang daya!" reklamo ni Learsi.
It's been a week since noong may nangyari sa cafeteria. Where Jay confessed that he was courting me in front of all the students in CIT—at sa harap pa mismo ng mga kaibigan ko. Usap-usapan na tuloy sa buong campus ang nangyari.
Jay is known around the campus for reasons I don't know and honestly don't care about. Nagpasalamat na lang talaga ako dahil hindi niya ako ginugulo. Maybe, I am lucky.
"Anong madaya, Learsi?" tanong ni Monday sa gilid ko.
Katatapos lang naming mag-study tungkol sa Outside Environment and Human Needs lecture sa library. Sabay kasi kaming tatlo mag-aral dahil wala pa naman kaming pasok for one hour, kaya sinulit na namin. Nagsisimula na rin kaming maging seryoso sa college life. Paano ba naman kasi, ang istrikto ng mga prof. Halos lahat tuloy mukhang tutok sa pag-aaral. Ang dalang ng mga pasaway.
"Eh kasi naalala ko tuloy," inis na sabi niya.
"Ang alin?" tanong ulit ni Monday.
Inayos ko naman ang mga gamit ko dahil aalis na kami. Dalawang libro ang hawak ko habang si Monday at Lars ay tig-iisa lang. Nag-a-advance study kasi ako sa ibang lessons para kung sakaling ma-late o umabsent ako, may matututunan pa rin ako.
Nerd.
Bakit ba naririnig ko ang boses ng ate ko?!
"Eh? Hindi pa kayo informed?" tanong ni Learsi sa amin. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya at halos sabay kaming umiling ni Monday. Napakamot siya sa batok.
"Hihihi, mamaya ko na lang sasabihin. Hindi pala kayo informed. Kawawa naman." Pang-aasar niya.
Ngumiwi si Monday habang ako naman ay inosenteng nakatingin lang sa kanya. Naglakad na kami papunta sa room namin dahil malapit na ang oras ng klase. Habang naglalakad, may nasalubong kaming mukhang mga seniors.
Halata namang seniors sila dahil sanay akong makitang mahiyain ang freshmen sa umpisa. Pero habang tumatagal? Ewan ko na lang.
Babalewalain na sana namin sila nang may biglang sumigaw.
"Uy, 'yon pala sila eh!"
Napalingon kaming tatlo.
"Oh? Ano na naman kaya 'to?" rinig kong bulong ni Learsi sa sarili niya. "Wait... senior ba 'yan?"
Napakibit-balikat lang ako at binalewala ang lalaking sumisigaw na akala mo nasa kabilang bukid kami. Nauna akong maglakad habang si Learsi ay tuloy pa rin sa pag-chichika at si Monday naman ay tahimik lang na nakikinig.
Pupunta na sana kami sa hagdan nang bigla kaming mapatigil.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Misterio / SuspensoLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
