Kabanata 12

3.5K 88 3
                                    

Pinigilan ko naman ang sarili kong huminga bago nag angat ng tingin kay Laurence. Agad kong nasalubong iyong mapupungay niyang matang nakatingin sa akin. Napasalubong naman ang kilay ko. Hindi pinakita na naapektuhan sa presensya niya.


He's so close! 


Bumaling naman ako sa kanya na para bang hindi naapektuhan sa kanyang presensya. Ngunit nabigo lang ako nung nakita ko ang madilim na mukha niyang nakatingin diritso sa mga mata ko. Agad naman umakyat ang kaba ko dahil sa mga titig niya. Para kasing may ginawa akong masama.


"B-bakit?" Umiwas naman ako ng tingin. Bakit bako nauutal?


"The- hey, what are you doing here?" I heard Monday say. 


I look at her. Nakataas ang isang kilay niya kay Laurence na nakatitig lang sa akin hanggang ngayun. Sinusuri ang kabuuan ko.


"Monday, I heard your ex said that he still loves you. Would you believe that?" Sabi ni Laurence.


Marahas naman akong tumingin ulit kay Laurence. Kumunot naman ang noo ko sa kanya dahil nakatingin parin siya sa akin. Hindi man lang tinaponan ng tingin ang kaibigan ko. 


"Asshole."


"Yeah, just like those boys."


Pagkasabi ni Laurence nun ay agad naman siyang umalis sa harap ko at umalis na rin sa restaurant.  Nakatingin lang ako sa glass door kung saan lumabas si Laurence. What's with him?


"Jerk," Monday commented.


Dumadaan ang isang linggo ay hindi parin ako pinapansin ni Lauence kahit madalas kaming magkikita. Minsan nga ay nakita ko siyang tumingin sa akin ngunit agad ring umiwas ng tingin kapag napatingin ako sa kanya. Isang araw nga ay nakita ko ulit siyang naglalakad, sinasalubong ako. Agad umiwas iyung mga esudyante sa amin.


Hindi ko alam kung normal lang ba iyung biglang aalis agad ang mga estudyante kapag nakikita ako. Minsan pa nga ay tumatakbo sila papalayo o babalik agad sa klase nila kaya kaunti nalang ang nasisita ko. 


Nakakapagpabanibago dahil hindi naman ako sanay sa mga ganoong asta nila. 


Speaking of him, kunot noo naman ako nung nakita ko si Laurence na nagtatambay sa mesa na madalas kong tinatambayan.  Nakatingin lang siya sa kawalan at parang malalim ang iniisip. Seryoso ang mukha niya. Mukhang may hinihintay.


Ito na talaga, Matagal ko na talagang iniisip na kakauspin ko si laurence. Para kasi siyang babaeng nagtatampo at kailangan pang suyuin ko. Tinanong ko sina Jake pero tukso naman ang isasagot nila sa akin kaya hindi kona ulit sila kinausap. Wala naman kasi akong makukuhang matinong sagot.Hindi ko na alam kung kailan sila titino.


I don't know what's wrong with him but I have hints.


Ngunit ayaw ko ring mag assume. Masasaktan ko lang kasi ang sarili ko sa mga bagay bagay. Too much expectation causes dissapointment and hurt. 


Against My Will  (Naga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon