Warning: Minor SPG
"Kayo na?!"
Nasa hapag kami ng kainan nang sumabog ang tanong na iyon. Kumpleto kaming anim sa mesa, at agad na napunta sa amin ang lahat ng atensyon.
Maya-maya lang ay magsisimula na ang trabaho ng mga lalaki. Si Jay, na dating freshman pa lamang, ay bigla na lang nakapagtapos ngayong taon. Ayon kay Learsi, nais daw nitong ipagpatuloy ang kursong matagal nitong pinangarap at magtrabaho para sa kinabukasan ng kompanya nila.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay napakayaman ng pamilya ni Jay. Iyon ang unang impresyong ibinibigay niya sa kahit sino. At si Adam? Mas lalo na. Kilalang-kilala ang pamilya niya hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa ibang panig ng mundo.
Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang sagutin ko si Adam.
At sa loob ng dalawang buwang iyon, parang wala nang araw na hindi kami nagkikita. Mas lalo lamang akong nahuhulog sa kanya sa bawat oras na magkasama kami.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Araw-araw, paulit-ulit akong umiibig sa kanya.
"Hmm... two months ago," kaswal na sabi ni Adam.
Kasabay noon ang marahang paggalaw ng kamay niya sa hita ko sa ilalim ng mesa. Agad kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya. Buti na lang at tumigil siya.
Anim ang upuan sa dining table. Magkatabi kaming dalawa ni Adam, gaya ng nakasanayan. Kasama rin namin ang mga kaibigan ko at kani-kanilang mga kasintahan.
"Huh?!"
Sabay-sabay silang napatingin sa amin maliban kay Emphraim na tila walang pakialam sa nangyayari.
"Tapos ngayon n'yo lang sinabi?" akusang tanong ni Learsi.
"Ngayon lang naman kayo nagtanong," walang emosyon kong sagot.
Agad niya akong pinandilatan.
"Sabi ko na sa'yo, babe, eh. Sila talaga 'yon." Napangisi si Jay bago iniunat ang kamay niya. "O, nasaan na 'yong singko ko?"
Napakunot-noo ako.
"Huh? Anong singko?!"
"Ikaw talaga."
"Hey, Learsi." Sumingit naman si Monday. "Nasaan na 'yong isang daan ko? Sinabi ko na sa'yo. Sila talaga."
Mas lalo lamang nagreklamo si Learsi habang kami naman ay tahimik na nakatingin sa kanila.
"Doll."
Agad akong napalingon kay Adam nang marinig ko ang mahinang bulong niya. Nagtagpo ang aming mga mata.Ang mapupungay niyang titig ay nakadikit sa akin, para bang ako lang ang nakikita niya sa buong silid.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Misterio / SuspensoLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
