Pumasok na ako sa paaralan at agad kong ginawa ang mga dapat kong gawin. Hindi na muli akong ginulo ng kampo ni Adam, lalo na si Jay. Madalang ko na rin silang makita nitong mga nakaraang araw.
Ilang araw na rin silang hindi nagpaparamdam sa akin. Maayos naman iyon, pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Adam. Para tuloy akong nasanay sa walang tigil niyang pangungulit araw-araw tuwing napapadpad ako sa department nila. Kaya ngayong wala na siyang imik at tila bigla na lang naglaho, nakakapanibago.
Maybe he already found another taste of the week.
Noong Lunes, sa condo na ako natulog. Kaso lang, laging may ingay sa katabing unit. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari roon. May mga padabog na kalabog, minsan pa'y may nababasag. Wala naman akong pakialam sa kung anong drama ang meron sila sa loob, pero minsan sobrang lakas ng tunog na parang may nagwawala o nagpaparty sa kalagitnaan ng gabi.
"Magbati na nga kayo." Inis kong sabi kina Learsi at Monday.
Para sa silang mga batang walang pinagkatandaan. Iisang mesa na nga lang ang pinagsasaluhan, hindi pa nagpapansinan. Nagbubulungan pa na akala mo'y hindi rinig ng isa't isa.
"Ayaw ko nga," angal ni Learsi.
"Likewise," malamig na sagot ni Monday.
Napabuntong-hininga na lang ako. Pataasan pala ito ng pride.
"Oh, tapos na ba kayo sa plates niyo?"
Nasa cafeteria kami noon at kasalukuyang kumakain. Kahit magkaaway sina Learsi at Monday, hindi pa rin nila ako pinababayaan. Alam kasi nilang hindi ako basta-basta nakikipag-usap sa iba. And honestly, I appreciated that. Ang kailangan ko lang gawin ay respetuhin silang pareho. Mawawala rin naman ang tampuhan nilang ito balang araw.
"I'm done with my plates," sagot ni Monday. Akala ko tatahimik na siya, pero nagsalita ulit siya. "Hindi tulad ng isa diyan. Lazy person."
"Ako rin, tapos na," mabilis na sagot ni Learsi. "Hindi kasi ako tulad ng isa diyan. Maarte person."
Nagtagisan sila ng tingin, parehong masama ang titig sa isa't isa habang ako nama'y pabalik-balik ang tingin sa kanila. Aawatin ko na sana sila nang may biglang tumawag. Napalingon ako sa direksyon ng boses.
"Monday—" Bigla itong umatras nang makita sina Learsi at Monday.
Siguro'y naramdaman niya ang matinding tensyon sa pagitan ng dalawa. Maya-maya, may lumapit sa kanya at kinausap siya. Pamilyar ang mukha ng lalaking iyon—mukhang kaklase ko, pero hindi ko maalala ang pangalan.
"Wag muna, pre. Ang init ng ulo ng dalawang 'yan eh. Sa klase pa lang nagbabangayan na," sabi ng kaklase ko.
Nagbabangayan pala sila kahit wala ako? Ganito ba sila lagi kapag hindi ako nakikita? Nag-uusap nga, pero puro bangayan naman.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Misteri / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
