"Sa wakas! Breaktime na!" Bungad ni Learsi sa amin.
Magkasunod kaming lumabas ni Monday. Nauna lang siya tapos ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Bago palang kasing nag dismiss ang class namin. May gusto sanang makipagkaibigan sa akin kanina kaso hinala na ako palabas ni monday.
I was thankful though.
"Really, Learsi? Yan lang ba inisip mo?" Tanong ni Monday.
"Oo naman, yan lang naman ang nasa utak ko buong oras sa klase-hindi, wala palang discussion. Introduction pala. Ang boring nga pero may nasagip ako chismis."
"Nagmamarites ka na naman. So what's up? Ano bang nasagip mo?"
"Nagpapanggap ka, eh makikinig rin naman."
Sinamaan siya ng tingin na ikatikhim niya at ipagpapatuloy ang sinasabi Niya. Tahimik naman akong nakikinig sa kanilang dalawa. Gusto ko mag headset kaso naiwan ko sa room. Siguro babalik ako dun para kunin iyun. Saka na, pagkatapos nilang mag usap dalawa para makapagpaalam ako.
"Ito kasi yun, may narinig akong kaklase ko. At syempre, maganda si lola niyo nakisali na ako sa kwento. Kwento kwento daw na kaay daw laging nag aawa yung department natin at sa engineering department dahil daw sa break up."
Napakunot ako sa noo. Yun ba yung laurence? Sikat pala talaga yung lalaki dito. Akala ko kwento kwento lang talaga ni ate iyun. Na kuryoso naman ako sa sinabi ni learsi.
"Really?"
Tumango naman si learsi. "Saka sabi sabi pa na laging pinagtripan nung lalaki yung mga babae sa department natin. He is chicksboy."
"You mean si Adam?"
"Oo yan! Alam ko talagang kilala mo kasi e-"
"Shut up."
Kumunot ulit noo ko. Wala akong naintindihan tanging narinig lang ng tenga ko ay yung paglalaruan ang mga babae sa department namin. Is he really that asshole? Well, i cannot judge so quicly. Wala naman akong alam sa buhay niya.
"Bakit daw?" kuryoso kong tanong.
Napatigil pareho si monday at learsi. Ilang segundo ay ngumisi naman si learsi na parang nang aasar na naman. Kaya naman tinignan ko lang siya.
"Uy, Si Zen. Nagbabagong buhay. Ayos yan kapatid para naman malayo layo kana sa langit, masaya rin naman sa impyerno eh."
"Sainyu lang naman ako nag gaganito. Two friends is enough than hundreds of it."
"Englishera na yan. Bagong buhay lang nag eenglish na, Hindi pa pwedeng bagong buhay lang hindi bagong language. Masisiraan ako ng ulo niyan eh."
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
RomanceAs a bachelor of science in marine engineering student at CIT. Laurence Adam Hart is a popular boy, who makes girls faint in no time. Aside from being a senior college student and a leader. He can handle everything clearly, and he is strict and prof...