Warning
Tinulungan ako ni Leona na makatayo. She looked panicked right now. Hindi ko malaman kung pag-aalala ba iyon o sobrang kaba.
"How are you?" I asked. Nanghihina pa rin ang katawan ko. Tumingin siya sa akin nang may pag-aalinlangan bago bahagyang ngumiti at tumango.
"A-ayos lang ako." Tumango naman ako bilang tugon sa sagot niya.
"Can we talk?" She stopped when I asked her again. "May malapit na coffee shop dito."
"Pe—"
"Just a little minute. I want to say something before I leave," I said, almost pleading.
"Okay, let's talk."
Pinaakbay niya ako nang mapansin niyang nahihirapan akong maglakad. It felt awkward, pero hindi ko na iyon pinansin.
People were looking our way because I was still wearing my hospital gown. Parang hindi mapakali si Leona habang nakaupo sa harapan ko. Bumuntong-hininga naman ako, na dahilan upang mapatingin siya nang diretso sa mga mata ko.
Napansin ko rin na tila naaawa siya sa akin, ngunit may halong takot ang mga tingin niya.
"Dideretsuhin na kita, Leona. I'll go overseas tomorrow, and I won't be able to come back for some reason. Please take care of them," diretsahan kong sabi. Kita ko ang bigla niyang pagtigil, pati na rin yata ang paghinga niya.
"A-anong nangyari sa'yo? Bakit ka aalis?"
Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Umiling lamang ako.
"Don't mind me. Can... you do that for me?" sabi ko.
She was observing me. Looking straight into my eyes. Napakaraming tanong ang mababasa sa mga mata niya. She was confused.
"Gusto ko lang sana, kung ayos lang sa'yo, ikaw muna ang bahala sa kanilang lahat. Mula kay Zeya hanggang kay Deon... Ingatan mo sila, ha? As much as possible, I will help you protect them. Nagmamakaawa ako sa'yo, Leona. Protektahan mo sila. Ikaw... ikaw lang ang taong huli kong makakausap bago ako makaalis dito. I... I apologize. We had so many misunderstandings in the past, but I hope you'll be able to forget them."
"I don't understand. Bakit ikaw pa ang humihingi ng tawad? I was at fault. All of us. We... we killed your son."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tinitigan ko lamang siya. Hindi ako nagsalita. Wala akong naging reaksyon. My mind went blank. She started crying while looking at me.
"I'm sorry—"
"That's enough," I said. "I don't have time to think about what happened to me. I don't want to think about it."
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystère / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
