Almost the end of year have passed, and my life went smoothly.
Dalawa lang ang matagal ko nang iniisip na problema—mga tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanapan ng kasagutan.
Una, ang ate ko. Hindi na siya nagpapakita sa amin nina Mama at Papa. Kahit ganoon, nagpapadala pa rin siya ng pera, na lalo lamang ikinagugulat ng magulang namin.
Hindi namin alam kung nasaan siya ngayon, o kung kumusta na ba siya. Tumatawag siya paminsan-minsan, pero palaging umiiwas sa kahit anong pagkakataong magkita kami nang personal. Palagi siyang may dahilan.
Ramdam ko rin na ayaw pa niyang magpakita. Namimiss na siya nina Mama at Papa. Ako rin.
Pangalawa, iyong van. Halos nasanay na ako na lagi silang naroon—hindi lumalapit, hindi nagsasalita, tanging nakamasid lamang mula sa malayo. At sa tuwing mapapansin nila ako, aalis sila agad, kasabay ng isang ngising hindi ko maipaliwanag.
Parang may alam sila na hindi ko pa alam. Busy si Adam nitong mga nakaraang buwan dahil magsisimula na siya sa trabaho sa kumpanya nila. Dahil doon, madalang na rin kaming magkita.
Tambay siya sa barko, sabi nga niya—palaging maraming ginagawa, palaging abala. Ngunit kahit ganoon, hindi kami nawawala sa isa't isa.
"Hey, Doll," bungad ni Adam sa kabilang linya.
Nasa kwarto ako noon, kasalukuyang nagbibihis ng pantulog.
"Adam. Kumusta?" tanong ko.
Tinapos ko munang ayusin ang suot ko bago ako humiga sa kama, hawak ang cellphone ko.
"Here, missing you. What about you? Having a hard time in school?"
Napangiti ako at humiga nang maayos.
"Okay naman. When did you sleep last night? You look sleepy."
Narinig kong napabuntong-hininga siya.
"I had overtime last night. Emphraim is such a pain in the ass."
Napatawa ako.
"Why? What happened?"
"He punched one of the crew. May nagsabi kasi ng papuri kay Monday—nagselos ang gago."
Ngumiwi ako.
"Adam," paalala ko.
Tumawa siya nang mahina. Alam na alam na niya ang reaksyon ko sa pagmumura niya. Ilang sandali pa ay inayos niya ang camera at mas malinaw kong nakita ang mukha niya sa screen. Nakatingin siya sa akin na para bang kanina pa niya hinihintay ang sandaling iyon.
"I'm sorry, Doll. Where is your camera?"
Agad kong binuksan ang camera. Nakahiga rin ako tulad niya. Nakasuot ako ng pink silk dress na pangtulog—regalo niya noong nakaraang buwan.
Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti. Ako naman ay napasimangot, kunwari ay naiirita. Pero ang totoo, ganoon din ang epekto niya sa akin. He looked tired... but still so undeniably handsome.
"You're beautiful," mahina niyang sabi.
Uminit ang pisngi ko, kaya agad ko itong tinabunan ng mahinang tawa.
"Thank you," Mahina Kong sabi.
Ilang sandali kaming nagtitigan ni Adam. Ngumiti siya sa akin, at kahit sa simpleng ngiting iyon, para bang nakangiti rin ang kanyang mga mata. Hindi ko napigilan ang sarili ko na gantihan siya ng ngiti, at ganoon din siya sa akin—para kaming dalawang taong walang pakialam sa mundo.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Misterio / SuspensoLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
