Kabanata 9

4.4K 112 6
                                        

I slowly glanced at my side. Nakatingin lang si Adam sa harap, seryosong nakapamulsa habang tahimik na nakikinig. Napairap naman ako sa aking isip.


"Does being asked by someone scare you that much?"


Hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa harap. Bahala siya sa buhay niya. And why was he even bothering me? Hindi ba niya nakitang may meeting sila? Yet here he was, talking to me as if wala siyang training na dapat inaasikaso.


"How rude."


Agad akong napabaling kay Adam. Nakatingin na siya sa akin ngayon.


"Excuse me?"


"Nothing."


Naiinis akong tinitigan siya habang muli niyang ibinalik ang tingin sa harap, acting as if nakikinig ulit siya. This person was seriously getting on my nerves. Bakit ba nandito na naman siya para manggulo sa buhay ko?


"You know what? Tama lang na lumayo ka sa akin, Adam." Wala sa sarili kong nasabi.


Napatingin ulit siya sa akin, his brows furrowing deeply. His brown eyes dark like melted chocolate locked with mine. Ngayon ko lang ulit siya nakita nang ganito kalapit. It had been a week since I last observed this face this closely.


"What?"


"Totoo naman, hindi ba? After mo akong kulitin last week, bigla mo na lang akong iniwasan dahil hindi ko sinabayan ang mga trip mo?"


He looked at me like I had gone insane. Agad akong umiwas ng tingin at kunwaring tumingin sa harap. Nasabi ko ba talaga 'yon? Why did that sound so wrong? Parang may mali sa tono ko.


I wasn't thinking properly. Then I heard his low chuckle beside me. Hindi na ako lumingon. He was obviously teasing me.


"So that's what you think? I was busy, though."


Napairap ako. Gusto kong matawa dahil halatang nagsisinungaling siya. Who even knew what kept him so busy?


"Okay—"


"What's with the eye roll?"


Masama ko siyang tiningnan. Puwede bang tantanan niya na ako? Nakakairita na siya.


"Paki mo ba?"


"Because I care." Natigilan ako sa sinabi niya. He cares for me? Bakit? Bigla niyang iniba ang topic."Are you and Josh close? I've never seen you talk to someone that long before." Kunot-noo niya akong tiningnan. "You even let him touch your hand."


"It's none of your business, Adam. At saka ano naman kung hinawakan niya ang kamay ko? It's not a big deal."


His gaze darkened instantly, as if I had said something unforgivable.


"Really?" malamig niyang sagot. "Because it's a big deal to me."


"Huh?" Naguguluhan kong tanong, pero umiling lang siya.


Nakatitig siya sa harap, jaw clenched tightly, his whole presence suddenly turning cold and serious.


Lumayo naman ako nang kaunti. Baka ma-issue pa kaming dalawa at may magsumbong sa girlfriend niya. Susugod na naman ako sa problema. Halata namang baliw na baliw sa kanya 'yung babae. Sa tingin pa lang, obvious na.


And the girl he was with looked bitchy enough already. Ayoko ng gulo. I could be bitchy too, but half of me hated that side of me. Napansin ko ring umusog si Adam palapit ulit. This man.


Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon