Mabilis akong napabangon mula sa higaan. Ang unang bumungad sa akin ay ang pamilyar kong kuwarto.
Naglibot ang paningin ko sa paligid habang pilit inaalala kung paano ako napunta rito. Biglang may sumilip na bata mula sa bahagyang nakabukas na pinto.
Nanlaki ang mga mata ni Adrian nang makita niya akong gising.
"Tita Ganda!" Halos maiyak siyang tumakbo papunta sa akin.
Napahawak ako sa ulo ko nang biglang kumirot ito. What happened? Ang huling naaalala ko ay ang dinner party. Ang wine at ang pagkahilo. Pagkatapos noon ay wala na.
Mahigpit akong niyakap ni Adrian. Napayakap din ako pabalik bago marahang niluwagan ang yakap namin.
"Anong nangyari po sa inyo?" Hikbi niya. "Tatlong araw po kayong walang malay."
Natigilan ako. Tatlong araw? Have I been unconscious for three days? How?
"Buti na lang po may tumulong sa inyo," dagdag pa niya habang umiiyak.
Mas lalo akong napaisip. May mali. Sigurado akong may mali sa alak na nainom ko noong gabing iyon. Biglang bumukas ang pinto.
Nakita ko si Gazvin na naglalakad papunta sa direksyon ko. Seryoso ang mukha niya habang nakasuot ng mamahaling tuxedo. Nakapamulsa siya habang mabagal na lumalapit sa kama.
"What happened to you?"
Kumunot ang noo ko.
"What are you doing here?"
"Don't answer me a question," malamig niyang sagot. "Kakarating ko lang at ngayon ko lang nalaman na tatlong araw kang walang malay. What did you do?"
Tinitigan ko siya. Walang emosyon ang mukha niya. Tulad ng dati. Nararamdaman ko namang bahagyang gumalaw si Adrian sa tabi ko.
Lumapit siya at pabulong na nagsalita.
"Tita Ganda... kilala niyo po siya? Nakakatakot po siya kanina."
Napalingon ako sa kanya. Namumula ang mga mata niya at halatang matagal nang umiiyak. Marahan kong pinunasan ang mga luha niya. Napansin kong tinaasan ni Gazvin ng kilay ang eksenang iyon.
"I'll tell you later," mahinahon kong sabi kay Adrian. "Can you do me a favor?"
Mabilis siyang tumango.
"Yes po! Ano po iyon?"
"Get me some water. I need to talk to this man."
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystery / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
