Disbelief.
That's how I felt after leaving Aera.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang mga sinabi niya. Para bang may mabigat na bagay na paulit-ulit na bumabagsak sa utak ko habang pilit kong inuunawa ang lahat.
Pumasok ulit ako sa loob ng mansion. I need to find their youngest. I need to apologize, even though technically, none of it was my fault.
Maaaring wala akong buong kaalaman sa nangyari noon, ngunit alam ko kung ano ang pakiramdam ng pagkaroon ng trauma. Alam ko kung paano mawalan ng katahimikan sa sariling isip. And I also wanted to know something.
Dahan-dahan kong nilibot ang paningin ko sa buong bulwagan upang magsimulang maghanap. The mansion was huge. Napakalaki. Masyadong engrande. Punong-puno ng mga mayayamang tao.
Elegant gowns. Expensive suits. Powerful families. Everyone looked untouchable. My attention was suddenly caught by Adam.
Nakatayo siya sa hindi kalayuan habang nakatingin sa akin. Watching. Observing. Parang sinusubaybayan niya ang bawat galaw ko. Nagsimula akong maglakad papunta sa kanya. At habang papalapit ako, hindi man lang niya inaalis ang tingin niya sa akin.
Hanggang sa tuluyan akong huminto sa harapan niya. Sinalubong ko ang titig niya.
"Where's your little brother?"
Agad siyang napakunot-noo sa tanong ko.
"Why?" tanong niya. Mukhang nag-aalala. "Something wrong?"
"No." Mabilis kong sagot.
"Sagutin mo na lang."
Huminga ako nang malalim. Kahit marami akong iniisip, kailangan ko siyang kausapin ngayon para sa kapatid niya.
"Your younger brother. Where is he?"
His younger brother was Kael Lance Hart. Naalala ko noon kung paano ikinuwento ni Adam ang kapatid niya. He was stubborn, cheerful, and makulit. Palaging nagbibigay ng sakit ng ulo sa pamilya nila.
Matagal niya ulit akong tinitigan. His eyes. Those eyes. Parang daan-daang emosyon ang gustong lumabas ngunit agad niyang itinatago.
Pain. Regret. Fear. Longing. Everything and then nothing. He's hiding. I know because I do the same thing. The moment I heard Aera's words earlier, it hit me. Maybe we're not that different.
"He's somewhere with my parents right now." Halos pabulong niyang sagot.
Tumango ako.
Aakma na sana akong aalis nang muling hinawakan niya ang pulsuhan ko. To stop me. To keep me there. For a second, I felt that familiar electricity crawl beneath my skin. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
غموض / إثارةLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
