"I said, what are you doing here?" A cold, deep baritone voice pierced through the silence.
I instantly recognized that voice. Kilalang-kilala ko kung kaninong boses iyon.
Bigla akong natigilan. Kumabog nang malakas ang dibdib ko sa kaba. Agad akong nataranta at pilit inayos ang sarili upang hindi niya mahalatang umiiyak ako. Nakatalikod ako sa kanya.
Why is he here? Dapat kasama niya sina Leona. Bakit nandito siya?
Malayo ang resort na ito sa mga lugar na madalas niyang puntahan kaya imposibleng nagkataon lang na mapadpad siya rito. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko sa isiping baka sinundan niya ako.
I hope not. Ayokong marinig niya akong umiiyak. It's unreasonable.
Huminga ako nang malalim. Tanging hampas ng alon at ihip ng hangin lamang ang maririnig sa paligid. Narinig ko ang mabibigat niyang yabag kaya agad akong nagsalita.
Ayokong lumapit siya. Not now.
"May kailangan ka, Engineer?" maayos kong tanong kahit may bara ang lalamunan ko.
Hindi ko na muling narinig ang mga yabag niya. Malakas ang hangin na humahampas sa mukha ko kaya muli akong napahinga nang malalim. Nakatalikod pa rin ako kaya malabong makita niyang pinupunasan ko ang mga luha ko.
Pakiramdam ko ay bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig. My mind suddenly became clear because of him. Hindi ko maipaliwanag kung paano. Ganito yata ang epekto niya sa akin. Ganito ako kapag siya ang kaharap ko.
"What about you? What are you doing here alone at night with a bottle of whiskey?"
Napasalubong ang kilay ko. Sa kabila ng matigas niyang tono, hindi ko maiwasang marinig ang bahagyang pag-aalala sa boses niya. Napailing ako at mahina akong natawa.
"Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko, Engineer."
Hindi ko kayang manatili sa lugar na iyon habang nandiyan siya kaya agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Muntik pa akong mawalan ng balanse ngunit mabilis kong naituwid ang sarili ko.
Kinuha ko agad ang bote ng whiskey sa tabi ko. Hindi na rin ako nag-abalang ayusin pa ang hitsura ko bago humarap sa kanya. Natuyo na rin naman ang mga luha ko dahil sa malamig na hangin mula sa dagat.
Pagharap ko, unang sumalubong sa akin ang mga mata ni Adam. Despite the darkness, I could still clearly see the warm brown color of his eyes.
Nagsimula akong maglakad upang lampasan siya. Parang lawin ang tingin niya sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin. Pagkatapos nito, aalis na ako pabalik ng Manila. Hindi ko pa alam kung bibisitahin ko pa ang bahay ng mga magulang ko.
"Are you crying? "
Agad akong umiling. Aakma na sana akong lalampas sa kanya nang pigilan niya ako.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystery / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
