Kabanata 17

4K 86 8
                                        

"Hello."


Napabalik lang ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Learsi.


Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya—sobrang lapit pa ng mukha niya sa akin na halos magdikit na ang mga ilong namin. Para bang sinadya niyang ilapit pa lalo para lang makuha ang atensyon ko.


Agad ko siyang sinamaan ng tingin bago pa niya tuluyang maidikit ang mukha niya sa akin. Nang makita niya ang masama kong tingin, tumigil siya at ngumisi na parang tuwang-tuwa sa reaksyon ko.


"Ano?"


"Ang lalim ng iniisip mo, ah," sabi niya habang nakataas ang isang kilay. "Share mo naman para sama ako."


"Wala."


"I heard Adam courted you."


Bigla akong napalingon kay Monday nang magsalita siya. Hindi ko man lang namalayang nasa tabi ko na pala siya.


"I second the motion," dagdag naman ni Learsi na agad kong ikinakunot ng noo.


As far as I remember, nagyaya lang naman si Adam na lumabas kami. Hindi ko rin maintindihan kung paano ako napapayag. Parang sariling katawan ko na lang ang kusang tumango para sagutin siya habang lutang ang isip ko noon.


Napabuntong-hininga ako habang pareho silang nakatitig sa akin na parang naghihintay ng kumpirmasyon.


"Saan niyo naman nalaman 'yan?"


Nagkatinginan ang dalawa na tila ba nag-uusap gamit lang ang mga mata bago sabay na bumaling sa akin.


"Jay?"


"Emphraim."


Mas lalo akong napakunot-noo.


"Sinabi ni Adam?"


"Nope," sagot ni Monday. "Accidentally nilang narinig 'yung usapan niyo."


Lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Wala naman akong maalalang may pumasok sa kusina habang nag-uusap kami ni Adam.


"Hindi talaga ako naniwala kay Jay no'n," kuwento ni Learsi habang natatawa. "Pero nung sinabi niyang kasama niya si Emphraim, naniwala na ako. Imagine mo—aksidenteng narinig nila usapan niyo. Eh, chismoso pa naman 'yon si Jay."


Napailing na lang ako.


"Nagyaya lang lumabas," simpleng sagot ko.


Nagkatinginan ulit sila. Mukhang litong-lito si Learsi habang si Monday naman ay blangko lang ang ekspresyon, tila iniisip kung paano niya ipapaliwanag sa kaibigan niya ang obvious.

Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon