Kabanata 11

4.3K 104 3
                                        

"Hey."


Napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa harap ko. Nakayuko kasi ako habang naglalakad. Tinatamad akong bumati sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Nang mapatingin ako sa harap, bumungad agad sa akin ang nakakalokong ngisi ni Adam.


Titig na titig siya sa akin—parang minememorya ang bawat detalye ng mukha ko. Kumunot agad ang noo ko.


"Ano na naman?" mataray kong bungad, dahilan para mas lalo siyang matawa.


Nandito na naman ako sa paborito kong tambayan. Wala akong ibang ginawa kundi magbasa. Maaga kong natapos ang mga task ko, kaya heto, nagpapalipas-oras. Kanina pa nga may mga estudyanteng palihim na tumitingin sa akin.


 Yung iba, halatang nakita ang My Day ni Monday. Pahamak talaga si Monday.


"How's your sleep?"


"Ayos lang. Ikaw?"


Napakunot noo ako sa sarili ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko pa siya sinagot at nagawa pang nagtanong pabalik. Wala naman talaga akong balak makipag-usap ngayon.


"Magical, Doll. Magical. " nakangiti niyang sagot.


Mabilis akong umiwas ng tingin. Nakakairita. Bakit ba kasi ang gwapo niya? Tumikhim ako at ibinalik ang tingin sa librong hawak ko, pilit na nagpapakonsentro

.

"Oh, tapos?" malamig kong sabi.


Like I said, wala ako sa mood na makipagdaldalan. Ngunit halos lumaki ang mga mata ko nang ilapit niya sa akin ang cellphone niya. At doon tuluyang natigilan ang mundo ko. Mukha ko ang nasa lockscreen niya.


"What the hell—"


Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang idampi niya ang hintuturo sa labi ko. Para akong nabuhusan ng kidlat sa pagtatagpo ng balat niya sa labi ko. Nagsisimula na namang tumibok nang malakas iyong puso ko. 


"No profanity, Doll."


Umirap ako, saka marahas na itinaboy ko ang daliri niya.


"Baho ng kamay mo."


Mabaho? Hindi naman talaga. Sa totoo lang, nakakainis pa dahil sobrang bango nito—amoy mamahaling pabango at malinis na sabon.


He chuckled softly, clearly amused.


"I saw your picture this morning."


Sinamaan ko siya ng tingin.


"Bakit mukha ko ang lockscreen mo?"


"Easy," he said lazily. "To tease you."


Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon