Kabanata 28

3K 72 7
                                        

Ayaw kong ipakita ang tunay kong nararamdaman sa kanya—o sa kanila. It's not worth it. I swear, kung sakaling ipakita ko man ang mga emosyon na matagal ko nang ibinaon, alam kong may hindi magandang mangyayari. At ayokong masaksihan iyon.


Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa na para bang isa siyang ganap na estranghero sa paningin ko. He looked more mature now. Nakasuot siya ng puting long-sleeved polo sa loob ng mamahaling blazer niya, perfectly tailored against his broad frame. Naka-formal attire siya, at halatang hindi basta-basta ang pinanggalingan niya bago dumating dito. Mukha siyang galing sa isang importanteng meeting o trabaho bago sumipot sa event.


Napatawa ako sa isip ko.


Really, Zendall? Paano mo naman nalaman na galing siya sa trabaho niya?


Muli kong ibinalik ang tingin sa mukha niya. Nakatingin na pala siya sa akin. May nakita ako sa mga mata niya, isang bagay na ayokong alamin kung ano. Sa loob ng maraming taon, isang bagay lang ang inamin ko sa sarili ko.


He looks more mature and....warm? Why is that? His looks were hot. Nothing more. I wonder if he still sleeps with different women. Malabo namang hindi siya bumalik sa dati niyang pagkatao. Oh. I forgot. Nariyan nga pala si Leona. Mahal niya iyon.


Speaking of Leona, huli ko siyang nakita noong nakaraang taon sa isang runaway event. Isa siya sa mga modelo doon. Nakita ko siya, pero hindi niya ako napansin dahil agad din akong umalis. Hindi ko na hinayaang magtagpo pa ang mga landas namin.


I think the real party was finally starting, judging by the atmosphere and lights—Bahagyang dumilim ang paligid habang patuloy akong nakatingin kay Adam.


Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Napalingon ako sa grupo niya.Pamilyar pa rin ang mga mukha. Nakita ko na ang grupong iyon noon, pero ngayon ay kasama na nila sina Zeya at Darwin.


Habang pinagmamasdan ko sila, halatang masaya sila sa mga buhay nila. They looked content and complete. Mukhang natuto na silang magpatuloy at kalimutan ang lahat ng nangyari noon.


Samantalang ako? Naiwan. Nakakulong. Naipit sa nakaraan na pilit kong tinatakasan, pero paulit-ulit akong binabalikan.


Kahit si Adam, kasama pa rin si Leona hanggang ngayon. Mukhang matatag ang relasyon nila at sana nga ay magkaroon sila ng masayang ending.


I bitterly smile. Fucking unfair, right? Gusto ko ring sumaya katulad nila,  pero ano'ng magagawa ko?


Wala naman silang alam sa mga nangyari. I just hated them for pushing me away before. Yun lang. Wala namang mas malalim pang dahilan, pero sa mga panahong iyon, doon ko rin nawala ang sarili ko. Nagbago ako. 


Adam was staring at me as if he could read every chaotic thought running through my mind. Natural lang na umiwas ako ng tingin na para bang wala akong napansin. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.


Humigop ako ng mojito. Tapos na ako sa tequila. Siguro whiskey naman ang susunod pagkatapos nito.

Against My Will  (Naga Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon