Simula

9.5K 197 30
                                    

Nung nakaraang araw ay naging tahimik ang buhay ko at dahil sa kapatid kong maingay naging sira na yun. Hindi titigil kadadaldal.


Simula kasing nakauwi na siya. Walang tigil kaka-kwento tungkol sa boyfriend niyang collage student. Narinig ko lang sa kanya na nag aaral ang jowa niya sa isang malaking paaralan. Pinagyayabang pa niya pa sa akin na may jowa siyang marine student.


"Sege na please! Kahit minsan lang naman eh!" Pangungulit niya sa akin. 


Hindi pa siya tumigil simula kahapon.


"Ayaw ko nga, Ate Zeya." 


Nakahawak ako ng Isang libro na twilight saga: New moon. Kanina niya pa ako kinulit habang nagbabasa ako sa isang maliit na sofa sa amin. Hindi naman kasi kami kasing yaman ni Miley Cyrus para may malaking sofa. Sa future na siguro, pag makahanap na ako ng mafia boss na bilyonaryo. Pero tinamad ako kaya mamatay akong matandang dalaga o mag madre. Hindi naman yun makasalanan.


Simple lang buhay namin, masaya kaming magkakasama ng mga pamilya ko. Hindi nagkakalayo sa isa't Isa ang pamilya namin.


"Zendall!" 


Medyo na iinis na ako kay ate zeya kakadaldal. Nakakainis naman talaga Yung mga taong sobrang ingay kahit alam mong may nagbasa ng tahimik. Sarap ibalibag ten times eh.


"Sege na! Pumayag si mama na pupunta tayong CIT para sa jowa ko nga lang. Sasama ka rin sa akin! Sege na.. please!" 


Eh sa ayaw ko nga may magagawa ka ba?


"Ayaw ko nga, Ate naman eh." 


Pagkasabi ko nun ay tumayo naman ako papunta sa kusina para kumain.


Kinuha ko ang meryenda na hinanda ni mama para sa akin. Wala si papa ngayun dahil nagtratrabaho bilang driver ng jeep pero minsan may racket din siya ng isang kompanya. Hindi ko alam kung anong ngalan nun. Basta nasa mga port daw siya nag ra-raket. Hindi ko na alam ano pa dahil wala naman akong ipag-alala kasi alam kong maayos naman nagtratrabaho si papa doon. Si mama naman, house wife. Wala siya rito ngayun dahil namimili ng mga grocery sa  nasa palengke.


Rinig ko naman ang mga malalakas tapak ni ate zeya sa sahig patungo sa kusina kung saan ako naroon. Sinusundan niya ako pati na rin ang pag upo. 


"Sege na Zen! Please kahit ito na pabor lang.ulungan mo naman akong na meet jowa ko oh. Matagal ko na yung pinapangarap eh." 


Tahimik ko siyang tinignan. Bago ko inubos ang mga kinain kong meryenda at nagsalita na.


"Akala ko ba gusto mo maging architect?"


"Bobo! Hindi yan ibig kong sabihin. Grabe ka naman, Zen."


Wow, maka bobo ah.


"Parehas lang yun."

Against My Will  (Naga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon